Kaarawan
Lunes ang kaarawan ni Alexis, ngunit Sabado pa lang ay nagsimula na ang kasiyahan. Maagang dumating ang aming mga Pinoy friends from Columbus na sina Carl at Kellie, Bob (kano sya sa totoong buhay pero parang Pinoy na rin kagaya ni Steve) at Trixie. Naging napakasaya ng aming salo-salo. Sina Carl at Kellie ay mahilig din sa Harry Potter kaya't nagkabangkaan sila ni Alexis. Nakakatuwang panoorin ang pagpapalitan nila ng kuro-kuro, habang ako ay nasa isang tabi lamang sapagkat ni hindi man lang ako nakapagbuklat ng HP book. Si Carl na isang propesyonal na photographer ng Trupix ay matiyagang nagturo ng potograpiya kay Alexis. Tuwang tuwa sya sapagkat may talent nga daw si Lexi sa pagkuha ng mga larawan. Naengganyo tuloy ang aking munting bruhilda na mag-ipon ng pera para makabili ng DSLR (yun nga ba ang tawag dun?). Sa ngayon ay may $200 na sya, $800 na lang hehe. Gusto ni mommy na ibili na namin ngayon, pero tumutol ako sapagkat mas nais kong paghirapan nyang mag-ipon upang ng sa gayon ay matuto syang pahalagahan ito.
Bilang ina, hindi mapasubalian ang kasiyahan sa aking dibdib sapagkat noon ko lamang nakitang nag-open up si Alexis. Noon ko lang sya nakitang nakipagbalitaktakan ng husto sa mga taong kung tutuusin ay hindi nya naman madalas nakikita. Ang isa pang ikinatutuwa ko ay kung papaanong si Kellie, na nakilala ko taong 1998/99 sa IRC, ay nakakaalala pa ng mga munting detalye tungkol kay Alexis. Paborito nya kasi si Alexis nung araw. Kung hindi nga lamang nabinyagan na si Alexis nung mga panahon na iyon ay tiyak na kinuha ko syang ninang nito.
*heto kami noon....circa 99-00
Dito nagpalipas ng gabi sina Carl at Kellie, habang sina Bob ay Trixie ay tumulak na pauwi sa Columbus. Ginabi kami sa kakalaro ng Wii. Inaliw sila ng husto ng aking munting entertainer na si Teban liit. Kinaumagahan ay nagluto kami ng tapsilog at German corned beef para sa almusal. Makaalmusal ay lumisan na rin sila (in English, eat and run haha).
Dali-dali naman kaming naghanda para sa grill party sapagkat bandang alas dos ng hapon ay nagdatingan naman ang pamilya ni Esteban. Happy Happy na naman!
9 Comments:
Yay, hope she had a good birthday!
It's really heartwarming to be visited by friends. Now that I'm away from mine, I miss them so and cherish them even more.
uy ang saya! sarap nga ng tapsilog, german corned beef and grilled meat.
and on top, friends coming around.
Bah, sana ganyan holidays ko.
then,
Eat and run too
tin: she had a wonderful birthday! true, heartwarming talaga, i couldn't believe my friend remembers those little details about lexi.
*hugz*
francesca: hay naku, wala kaming ginawa kundi kumain ng kumain...heto nga't nag-gain na naman ako ng weight. saya talaga! ok lang kahit eat and run...:-)
Naku naiimagine ko kung gano ka saya niyang mga celebrations na ganyan, bright talaga si Alexis mana sa...........yo! Happy birthday sa kanya.
Uy nadalaw mo na ba blog ni Girlie? mukhang may kaaway na ibang nation.
saya kumare!
the lexi in the photo was really a little girl...and now?! hay!
belated hapi berdey kay lexi!!!
ang cute-cute niya don sa picture! ngayon, dalaga na si lexi.. :)
ate marie: buti na lang, sa akin nagmana! hahaha.
Do u know kung anong nasyon yung nakabangga ni Gabriela Silang aka Girlie? Akala ko dati eh Pinay yun.
Justice: OO nga mare, sayang wala kayo dito...eh di lalong masaya. Ang liit ni Alexis dati ano? Ngayon eh mas malaki pa sa akin. hayyyyyy
Des: OO nga eh....bilis talaga ng panahon.
kahabang celebration. nakakatuwang tignan kung mahusay makipagsalamuha ang mga bata ano.
uy kaswerteng bata, magkakaron na ng dlsr. tulungan mo mag-ipon habang fresh pa ang natutunan nya sa photography. mag aral ka na din, ang sarap na hobby, kakaalis ng pagod
girlie: oo nga...tinutulungan ko mag-ipon kasi HATI kami sa dslr hehehe. Yun talaga ang plano ko lol.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home