Sunday, December 24, 2006

Tsk tsk. Kawawang blog. Basang sisiw na sisinghap-singhap at humihingi ng katarungan. Isang update lang. Isang-isa lang, bago man lamang matapos ang taon. Panis na panis na ang excuse. Busy daw. Busy-busyhan kamo.

Geez, I'm being too hard on myself. Sa totoo lang kasi, medyo mahirap gampanan ang papel na ginagampanan ko sa ngayon. Magpapasko, at mahirap ang malayo sa minamahal. Mahirap maging "ama at ina" all at the same time. Medyo senti mode nga ako habang nagbabalot ng mga regalo. Si Steve kasi ang "official tagabalot" ng mga regalo kapag magpapasko. Nagkukulong siya sa kwarto, at kung ano-anong dekorasyon ek-ek pa ang ginagawa nya para lang mapaganda ang balot. Hay naku, stop na nga muna ang chuvah chu chu bago magkabahaan ng luga, este luha dito. Anyway, nakachika ko na naman siya kanina sa telepono. Pinabuksan na rin nya ang regalong ibinigay niya sa akin. Laking gulat ko ng tumambad sa aking paningin ang isang "hot pink" iPod nano. Kakulay ng celfone na ibinigay nya sa akin last Christmas. Akala ko eh bra at panty ang laman nung malaking kahon. Napakagaang kasi eh. Utang muna ang mga peechurs. Kapag nagkaroon ako ng mas madaming time eh makakapag-update din ako ng maayos. Ngapala, may konting problema ako dito sa blog na ito. Hindi ko makita yung pinaglalagyan ng title ng post. Kaya tuloy lahat ng post ko eh mga walang pamagat. (as if madaming-madami na akong post hehe)

Siyangapala............MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!!!

Labels:

6 Comments:

At 10:01 AM , Anonymous Anonymous said...

kaya pala medyo nabago ang balot ng regalo nyo sa amin...hindi pala ikaw ang orihinal na tagabalot...hehe

ang cute naman ng regalo ni teban sa iyo...terno pa sa razr...miss hot pink..woohoo!

anyways, i wish you and your family a Merry Merry Christmas and a Prosperous New Year!

(hope you loved our gift to you...mwehehehe!)

 
At 6:41 PM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

uy cute din yung hot pink na bra at panty kung sakali man tama ang hula mo...

 
At 8:23 AM , Blogger sachiko said...

it has been a habit of mine to check on you whenever i blog hop and i was wondering why yours is suddenly off. akala ko,contract renewal or something. it's so sayang naman,you have so many interesting topics and stories,di bale,ipon na lang ulit and don't forget that there are people like me who genuinely read your posts with so much interest. I loved the post na you went to the stockroom and talked to the boxes or something,that was so real!

Happy Holidays my dear..just think he is doing it for the country..and will soon be back in your arms. :)

 
At 11:31 PM , Blogger cheH said...

avah nagpatayo ka na ulet ng emansyones mo neybor!:) nahuli ako sa balita lol

Good to see ya back!:)got here thru anp

a very happy New Year to you & your family!all the best!

 
At 5:07 PM , Anonymous Anonymous said...

Rhads, to recover the code for the title of your post, change ka muna ng template. Template lang naman mababago, all your posts will remain. Tapos ibalik mo ulit ang theme na katulad nito.

ahihi! mag advise ba raw. Pag ginawa mo at pumalpak, pagtataguan kita. Hahaha.

 
At 12:07 AM , Blogger Unknown said...

Maligayang Pasko din sau! Visit my site Casino Espanol.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home