Tuesday, June 19, 2007

ang paglisan

Habang papalapit ang araw ng aming paglisan ay tila baga lalong papabigat ng papabigat ang dinadala ko sa aking dibdib. Pinipigil kong maging emosyonal. Pinipigil kong ipakita ang tunay kong nararamdaman. Pinipilit kong ngumiti, kahit may kurot sa dibdib.

Ayaw kong iwanan ang aking pamilya. Ang aking nanay, ang aking kapatid. Ayaw kong mawalay sa kanila. Nais kong palagi akong nasa kanilang tabi kapag sila ay may pangangailangan. Ayaw kong makita silang umiiyak at nalulungkot sa aking pag-alis. Para akong hinihila ng depresyon. Dibdib ay parang sasabog.

Sa kabilang banda, batid naman naming lahat na ang panahong ito ay darating. Gayunpaman, hindi ito madaling tanggapin.

5 Comments:

At 9:29 PM , Anonymous Anonymous said...

hindi biro ang mawalay sa mga mahal sa buhay,pero may plano ang POONG MAYKAPAL sa lahat ng bagay.
naway maging maayos at matiwasay ang inyong paglisan at sa pamilyang iiwanan ....relax lang kaibigan dahil sa buhay ay kaakibat yan , pasasaan ba at d magtatagal, sila muli ay masisilayan :0) magbakasyon ka lagi o d ba?

 
At 1:05 AM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

nakakalungkot isipin, siempre iba yung nasa tabi mo ang pamilya mo, pero may plan ang Dios bakit naging ganun. Ang consolation nalang natin, hi tech na ngayon, mas madali mapawi ang kalungkutan.

 
At 9:31 AM , Blogger marie said...

kakalungkot naman, maiiwan pala sila, pero di magtatagal magkakasama sama din kayo. Good Luck.

 
At 12:53 PM , Anonymous Anonymous said...

Kumare, I know what you mean.

It hurts to have to walk the road of life but if we don't, we'll never reach what we're supposed to.

:(

 
At 2:53 AM , Blogger Beng said...

hi rhads, ich fühle mit dir und ich kann deiner Lage sehr gut nachvollziehen. malungkot din ako dahil aalis kang di pa tayo nagkita :(.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home