Sunday, July 29, 2007

nakiki-TAG: What were you thinking

No, I wasn't tagged. But I found this particular meme from analyse quite interesting. So interesting that I tagged myself because no one would ever tag me. hehe. shame shame shame

So the question was:

What Were You Thinking when you first met your current main squeeze? (husband, wife, boyfriend, girlfriend, significant other, sex partner, WHATEVER!)

....I remember telling my bestfriend "oks na ang gabi ko kapag nakasayaw ko yun", sabay nguso sa isang kelot na nakaupo sa isang sulok na obvious na obvious ang pagka-bored ng gabi na iyon. Actually, aksidente lang ang pagtatagpo na iyon. My girlfriend and I originally wanted to go to a (disco) club in Fulda. Nakaugalian na namin ang mag-clubbing tuwing weekend. Minsan nga pati Wednesday (ladies' night) pinapatulan namin dahil wala kaming magawa sa buhay. Ako ay isang estudyanteng pulpol habang si bestfriend naman ay isang "lost soul" nung mga panahon na iyon. Anyway, hindi namin natagpuan ang club sa Fulda, kaya naisip na lang namin na umuwi na lang.

What should've been a very easy maneuver turned into a disaster when bff took the wrong autobahn (expressway). Feeling adventurous, we somehow ended up in Frankfurt (100kms away). I remember stopping at the foot of a bridge dahil may nakita kaming 2 mama na gusto sana naming pagtanungan ng pinakamalapit na discohan. Instead of getting the information we wanted, humarurot kami ng takbo dahil lasing pala yung 2 kelot. Ninerbiyos pa kaming magagandang dalag, este dilag. Naisipan naming umuwi na lang (pramis). As our luck would have it, medyo paubos na ang gasolina namin. Sa Germany, bawal maubusan ng gasolina sa Autobahn. Kung ayaw mong masaktan, make sure na makakarating ka sa iyong paroroonan. So we decided to take the back roads instead. Mas madami kasing gasolinahan na madadaanan dito kaysa sa Autobahn. After filling up, we were on our way home (pramis) nang biglang tumambad sa aking paningin ang napakaliwanag na sign "CAPRI". I told my friend "shit kaibigan, tignan mo, DISCOOOOOOOOOOO!!!!" Yugyugan na!!!!!!

Excited kaming pumasok sa disco, to our disappointment. Dahil medyo maaga pa (11PM), walang kabuhay-buhay ang dinatnan namin. Pero tutal ay nandun na rin lang naman at kinakailangang iwagwag ang katawan, nag-enjoy na lang kaming magkaibigan sa pagsasayaw sa walang kamatayang hip-hop at techno.

Pabalik na kami sa aming upuan ng mapuna ko ang isang lalaking mukhang batong-bato na sa isang tabi. May itsura, may porma, matikas (medyo madilim kasi noon hahahaha).

"oks na ang gabi ko kapag nakasayaw ko 'yun", tandang tanda ko pa.......kauupo pa lang namin ay siya namang tayo niya kasabay ang isa pa niyang kasama. Sabay silang lumapit sa aming upuan at nagtanong..."may I have this dance?". "shoreeeeeeeeeeee" op kors golp kors, palalampasin ko pa ba ang pagkakataong ito???

Turned out, kadadating pa lang pala niya sa Germany. It was his first weekend in the area and naki-join lang siya sa mga kasamahan nya sapagkat wala silang ginagawa sa barracks. First time ko lang din sa lugar na yun. Isipin mo nga naman, nang dahil sa biglang liko, este maling liko, nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng aking puson, este puso. Dahil makamandag ang beauty ko, hindi na niya ako pinakawalan. At iyan ang aming lab story. To date, 12 years and 3 months na kaming magkakilala, 10 years and 8 months na kaming kasal. bow.

15 Comments:

At 4:28 AM , Anonymous Anonymous said...

Ang cute ng kwento nyo Rhada! Ang galeng-galeng!

 
At 3:15 PM , Anonymous Anonymous said...

bitin naman toh! ano isinayaw nyo? sweet? he he

basta bitin eh...ano kasunod? ( he he, nasa mood pa naman ako maki chismis, ang igsi ng kuento mo!)

 
At 3:00 AM , Anonymous Anonymous said...

kakilig toh ex neighborhood! haaay naalala ko rin yung nakaraan namin ni pedro sa ilalim ng puno ng papaya!hehe Thanks for sharing ex neighborhood,feeling nostalgia tuloy ako;)

 
At 6:06 AM , Blogger marie said...

Diyos ko poooooooo.....kinilabutan ako sa kilig sa pagbasa ng kwento mo! Ang kapalaran nga naman kahit hindi mo hanapin kusang lalapit. Seriously, tuwang tuwa ako sa gandang kwentong ito! Wish you more and more blissful years, kaibigan!

 
At 6:57 AM , Blogger Analyse said...

bwahaha, nainggit ka ba sa tag. pero in fairness, i can feel the kilig sa kwento mo ha, buti na lang, biglang liko kayo ni bestfriend hehe.

 
At 8:28 AM , Blogger Unknown said...

christine: salamat!! uy, thanks din sa dalaw ;-)

thess: hehehe itutuloy..parang komiks hahaha. abangan ang susunod na kabanata. lol

cheh: ang puno ng papaya na siyang naging saksi sa inyong wagas na pagmamahalan ni Pedro?? hehe. kung ako sa yo ex neyborhood, ita-tag ko din ang sarili ko, para kami naman ang kiligin sa lab story mo ;-)

 
At 8:31 AM , Blogger Unknown said...

te marie: mismo...korek ka jan...hindi ko sukat akalaing kami ay pagtatagpuin sa lugar na iyon. i wasn't looking for love and neither was he, pero kami ay itinadhana...hehehe

analyse: hahaha trulili, nainggit ako sa tag mo! na-inspire ako sa iyong lab story ;-)

 
At 11:48 AM , Anonymous Anonymous said...

sa galing mo ba naman gumiling eh... hahahaha

fate talaga!!!

 
At 1:28 PM , Blogger tintin said...

Ang galing mo talagang mag-kwento!

Ang cute ng lust story errr love story pala nyo!

 
At 8:20 PM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

bow! ang galeng ng pagkakakwento mo, funny ka talaga! dapat may continuation ha, worth another blog entry yan.

 
At 4:59 PM , Blogger Unknown said...

melissa: op kors naman, ako fah! lol ;-)

tin: ehehehe. ahem, nang siya ay mahuli sa aking bitag lol.

girlie: abangan ang susunod na kabanta...lol...madami pa talagang nakakatuwang pangyayari ;-)

 
At 6:14 AM , Anonymous Anonymous said...

What an exciting story ate! I really like it pramis! lol!

 
At 1:49 AM , Anonymous Anonymous said...

hey ganda, may assignment ka sa http://www.mariegvergara.com

 
At 11:55 AM , Anonymous Anonymous said...

if i know....nag-ala toni braxton move ka bwahahaha

 
At 9:34 PM , Anonymous Anonymous said...

parang may nakalimutan kang banggitin... yung gayumang ipinuslit mo sa inumin nya? bwahahahaha!!!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home