You Tube
Salamat sa YouTube at sa babaeng (Cheska11) nag-upload ng latest episode ng MMK, napanood ko ang aking paboritong si Regine V. Malungkot ang istorya, tungkol sa pag-ibig na hindi naisakatuparan. Dalawang pusong pinaghiwalay ng tadhana, nagkaroon ng sari-sariling pamilya, tapos ay nagkitang muli makalipas ang dalawang dekada. Sa muling pagkikita ay muling nabuhay ang nasikil na damdamin at binalak na dugtungan ang nakalipas. Ang wakas? Nagdesisyon si Cathy (aka Regine) na manatili sa kanyang pamilya at tuldukan na kung ano man ang namagitan sa kanila ni Gian (Albert Martinez).
Tama ang kanyang naging desisyon sa aking pananaw. Kayo, ano sa palagay nyo??
7 Comments:
tama 'yung ginawa niya.
des: mismo. pinagtataka ko lang, halos wala naman talaga sila nakaraan...i mean hindi naman sila talaga naging mag BF. susme.
kakalungkot naman! tama pero depende...hahaha
kahit di ko napanood, i guess tama decision nya, chaka may kanya kanya na silang pamilya, kelangan makontento =)
ate marie: depende saan??? hindi mo naman inelaborate eh! hehehe ;-)
girlie: i agree with you.....dapat talaga makuntento na lang...ganun talaga eh...nagdesisyon sila, kaya dapat pangatawanan.
ay, napanood ko rin yan! hehe
pero kung kasing guwapo ni albert martinez? hmmmm....
i cant relate, kc di ko napanood.
But, yung balikan, depende.
Sabi nga ni Marie, depende.
If both realise it is worth it.
If not, di na oy.
Ako,yoko balik sa ex ko.
Happy na ako ke Lolo nyo.Wink!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home