Panaginip
I had a dream. Nakahiga daw ako, sa gitna ng mga kaaway, ipinapako sa krus. Unang ipinako ang paa ko. Hindi ako nasaktan bagama't naramdaman ko ang pagtarak ng mala-patalim na pako. Hindi ipinako ang mga kamay ko...bagkus, pinahiran ito ng napakainit na baga. Muli, hindi ako nasaktan sa pagdampi ng baga sa aking mga palad bagama't naramdaman ko ang init na nagmumula dito.
Matapos ito ay lumabas upang muling magtipon-tipon ang aking mga kaaway. Sa aking pagtayo ay nakita ko si Hesus sa aking tabi, may bitbit ding Krus. Biglang lumakas ang loob ko. Magkasama kaming tumakas sa lugar na iyon. Sa aming pagtakas ay madami kaming mga kaaway na nakasalubong, subalit hindi nila ako nakikita. Umakyat kami sa bundok, at datapuwa't may pinapasan akong krus ay hindi ito nakasagabal sa aming pag-akyat. Ni hindi ako nakaramdam ng pagod. Ni hindi ako nakaramdam ng takot.
Biglang namulat ang aking mga mata. Alas kuwatro ng madaling araw. Pinilit kong bigyan kahulugan ang aking panaginip, ngunit ang hindi maipaliwanag ng aking isip ay binigyang buhay ng aking damdamin. Hindi ako nag-iisa. Bigla kong naalala ang pinakapaborito kong salmo...
"Even when I walk in the valley of Darkness, I will fear no evil for You are with me; Your rod and Your staff – they comfort me" psalm 23.
5 Comments:
Amen, misis! Amen!
Amen!
Ganun talaga basta nasa puso mo Panginoon...yun peace na naibibigay Nya, hindi mapapantayan ng kahit sino o ano.
That is a wonderful dream ate
Amen!
Amen na rin!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home