Sunday, September 07, 2008

konting update

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung makabalik kami mula sa Bahamas pero hanggang ngayon ay parang liyo pa rin ako sa kasiyahang tinamo ko sa ilang araw naming bakasyon. Pati ang buong pamilya ni Steve ay "high" pa rin at nagpaplano na para sa susunod naming cruise. Balak namin itong gawing annual family event.

"First I was afraid, I was petrified...", makailang ulit kong naihinga sa lahat ang takot na aking nararamdaman bago ang aming bakasyon. I am deathly afraid of heights and water. Just thinking about being in the middle of the ocean on-board a cruise ship eh nangangalisag na ang balahibo ko at parang hinahalukay na ang aking sikmura. I promised myself to wear the life vest for the whole duration of the trip. Mabuti na ang laging handa..hehe.

We were supposed to sail out of Port Canaveral near Orlando Florida. The day before our trip ay nakatanggap kami ng tawag mula sa Carnival cruise line telling us that we are sailing out of Ft Lauderdale, Miami instead of Canaveral because of Hurricane Fay. O di ba, lalong kinabahan ang lola. May bagyo na nga't lahat eh tuloy pa rin kami sa karagatan. Hubby reassured me many many many times na hindi kami isasabak sa alanganin ng cruise line sapagkat malaki ang pananagutan nila kapag nagkataon....sige na nga, tutal eh kasubuan na.

From Orlando, we were bussed by the cruise line to Miami. It was a 3 1/2 hour ride, enough for a short nap. Malayo-layo pa ay tanaw na namin ang barko. The sight of the ship was amazing. It was HUGE!!! We sailed that night, and to be honest, NI WALA AKONG NARAMDAMAN. I didn't get SEASICK at all! Para ka pa ring nakatuntong sa lupa, kahit na nasa gitna ka na ng karagatan. From that point on, napalitan ng excitement ang aking takot. Ako mismo ay nagulat sa ipinamalas kong "katapangan".

On-board the ship, talaga namang pampered ka. Our beds were made twice a day. You can eat anything you want, anytime you want. Food is great, dami yatang pinoy chefs doon. We even had room service in the wee hours of the morning. They have babysitting services too. It's free until 10 PM, afterwards, it's only $10/hour for both our kids. Hubby and I partied all night na para bang nakatira ng energy pills. They have several activities for everyone. May comedy shows, may musical (Pinoy ang lead singer), may karaoke, may games, at kung anik anik pa. We went to the casino and lost a few hundred dollars of our mad money. The only thing we didn't do is drink alcohol and party with the singles hehe.

It was a very positive experience. Highly recommended ito mga friends!!

11 Comments:

At 11:29 PM , Anonymous Anonymous said...

kumare, matagal ko na ding pangarap na magawang mag-cruise, sarap naman. syempre andon ang takot gaya ng nerbiyos ko sa eroplano pero at least sa ship eh may chansa basta walang pating hehe

 
At 9:06 AM , Blogger Analyse said...

so ano, suot mo ba lagi ang lifevest? sarap nga ng cruise and true, wala ka talagang mararamdaman, parang wala ka sa dagat hehe..

 
At 1:44 PM , Blogger marie said...

Kagaya ni justice gusto ko ding maexperience mag cruise pero tako din ako sa barko, medyo kabado sa haba ng byahe lalo't di ako marunong lumangoy, ngiii. Happy birthday!

 
At 6:23 AM , Blogger Unknown said...

hehehe kumare...hala sige na...tuparin mo na ang iyong pangarap at mag-cruise ka na.. i really enjoyed it, and i'm sure you will too!

 
At 6:26 AM , Blogger Unknown said...

ana: hindi eh...hindi ko na kinailangan dahil nga feeling dyesebel ako hahaha. we were lucky at napakaganda ng weather nung nag-cruise kami kaya talaga naman walang naging aberya.

 
At 6:26 AM , Blogger Unknown said...

ate marie: huwag lang matakot, madaming salbabida kaya kahit hindi ka marunong lumangoy eh oks lang hehehe.

 
At 6:26 AM , Blogger Unknown said...

ate marie: huwag lang matakot, madaming salbabida kaya kahit hindi ka marunong lumangoy eh oks lang hehehe.

 
At 12:03 PM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

kelan kaya kami makapag-cruise, parang di yata matutupad ang pangarap ko. Counterpart mo si N, takot na takot, di mapilit, kaya walang kasubuan

 
At 8:29 AM , Blogger Unknown said...

girlie: sa totoo lang, hindi ko akalaing mae-enjoy ko ng husto yung cruise kasi eh talagang takot na takot ako di ba? pero nung andun na, i realized na unwarranted lahat nung fears ko.

sana N will give it a chance someday. i'm sure magugustuhan nya at baka sya pa ang palaging mag-aya.

 
At 4:49 AM , Anonymous Anonymous said...

ay ang sarap ng buhay, pa cruise cruise na lang :-)

miss na kita!!!

 
At 2:28 AM , Anonymous Anonymous said...

uy rhada girl, PM mo naman ako on mrsgooding@gmail.com on your itinerary, budget, etc. sa kwento mo parang na-excite ako...gusto ko ring mag bahamas cruise ah!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home