Social Climbing ek ek
Sa pandalas na pagdalaw ko sa blog ng ever byutipul sirenang social climber to the highest power, eh natuto ako ng social climbing 101. Pero absent yata ako ng isang araw dahil parang may mali sa aking social climbing style. Ang goal ko sana eh maging uber sikat, tinitilian, at binubulag ng flash ng camera from my fans....but it backfired.
ganito ang pangyayari Kuya Eddie.......
I had to be at work by 8:30 am. Hindi ako masyadong nagmamadali dahil Saturday naman kaya alam kong maluwag ang trapiko. I left the house at 8 am. Balak kong dumaan sa McDo for breakfast, kaya medyo tinulinan ko ang karipas ng aking kalesa. Nakakatuwa naman at parang nakikiayon ang tadhana at panay berde ang ilaw trapiko. I was flying thru intersections na para bang high na high pa rin sa mga chokolateng kinain ko habang nagti-trick or treat kami nung nagdaang gabi. Hanggang sa......
*flash* flash* flash* strike a pose mala-Paris Hilton, smile sa harap ng camera ang naging drama ko nung humahagibis akong lumampas sa isang intersection. Oh my gulay anak ng katuray!!! Nadale ako ng mga papparazzi!!!!! Halos nabulag ako sa kislap ng mga ilaw. May mga camera nga palang nakaabang sa intersection na iyon. Hindi ko alam kung ano ang ikakaso sa akin hehe. Either beating the red light (hindi ko napuna kung pula o berde ang ilaw, pramis) or speeding. Nasyokot ang byuti ko, sana speeding na lang. Kasi kung beating the red light, I'll boink my head dahil sa sobrang careless ko that morning eh I could have caused a big accident. And I can never forgive myself for that. Safeguard yata ang sabon ko, kaya meron akong konsensya.
And the irony of all ironies eh ito......the day before eh sinesermunan ko si fafa Steve dahil he got fined for speeding sa Sandusky, Ohio area. He was going 82 on a 65 stretch. $130 ang danyos pinsala. Syempre feeling mahadera ako dahil kahit kelan eh hindi pa ako natiketan sa Amerika (hindi kasali ang Germany ha). Ngunit bagamat subalit, matindi nga pala ang karma. hehehe. Tuwang tuwa ang bakulaw nung kwinento ko sa kanya ang naganap sa akin. Kung makahagikgik eh akala mo kinikiliti ng pitong tsonggo ang hitad.
By the way highway, matagumpay na naidaos ang trick-or-treat dito sa amin. As usual, nabundat ang aking tiyan at sumakit ang panga sa kangunguya ng mga kendi at tsokolate. Here are some pics.
8 Comments:
Karma karma karma kameleyonnnn...
kainis makarma ng asawa ano? he he, hate na hate ko when that happens to me too he he he
oist lola, handa handa magmaneho ha :P
teka si alexis yang elvira? whoaaa! grabe uber gandang dalaga na talaga unica hija mo, tita Rhads!!
hehehe! sa susunod pag hinabol ka nang parak, bigay mo biz card ko, ako bahalang mag-pyansa't lumuhod sa pulis na yan.
teka....
eto pala requirements nang pulis.
benti uno hangga't trento dus anyos.
gwapo at di hukluban.
matipuno katawan hindi ang tyan.
marunong uminglis at ayoko nang pakistani inglis.
pag di umabot sa requirements na yan, bahala ka na sa buhay mo.
hehehe!
di ka kasi nag-dettol sa first avenue para di ka natiketan :-)
galing ng costume ni Lexi! carryng-carry niya! si teban liit, TMNT? sino fave niya?
hahahaha! kiniliti ba ng pitong tsongo kung maka asar? hhaha.
Even in France, ang daming robbers, in the name of the law!
radars! baka naman hindi ikaw yun?
Baka yung nasa unahan mo nakunan!
hoping...hehe.
Blame it to the tsoklets...
thekya: honga eh. matindi ang balik ng karma. napagtawanan tuloy ako ng di oras. lol
yes, si alexis ay vampirella nung nakaraang halloween. ang laki na nya! minsan nakakamiss din yung maliit na alexis
mahal na reynz: hahahaha. sige kakaliskisan ko muna ang mga parak bago ko ipa-strip search sa yo hahaha.
kumare: si Leonardo ang gusto ni Teban liit. Nahirapan kaming maghanap ng costume ni Alexis kasi eh adult size na sya, eh karaniwan ang mga adult costumes eh may pagka-revealing.
at least tapos na....thanksgiving na lang at christmas this year! yey!
madam francesca: hehe sigurado akong ako ang na-camerahan. walang ibang kotse eh, kaya nga talagang humahagibis ako hehehe. hinihintay ko na lang ang ticket sa mail
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home