Friday, January 19, 2007

Hangin

My God. Nakakatakot. Ang lakas ng hangin sa labas. Umuungol. Sumisingasing. Nangangalit. Parang nais basagin ang mga bintana. Parang nais palisin ang anumang hahadlang sa kanyang daraanan.

Ang puno sa harap ng bahay ay tila baga sumasayaw sa saliw ng tugtog ng hangin. Patuloy ito sa pagliyad, sa pag-indak, sa pagyuko, at sa pabiling-biling na mosyon. Harinawa ay huwag itong maputol at bumagsak sa mga sasakyang nakaparada sa harapan (josko po, huwag naman sana at ilang araw ko pa lang namamaneho ang bagong baby ko!).

Natatawa na lamang ako....ninenerbyos na ako ay kung ano-ano pa ang naiisip ko.

11 Comments:

At 7:02 PM , Blogger Suzy Wannabe said...

andyan na ang baby mo? pasakay!!!

 
At 11:36 PM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

mag-ingat kayong lahat dyan, naalala ko tuloy kasagsagan ng bagyong milenyo dito.

 
At 4:43 AM , Blogger Analyse said...

is your baby still alright.. kita ko kasi sa news na daming nasalinta ng sobrang bugso ng hangin banda dyan sa north, buti hindi masyado dito sa min, baka kasi pati ako liparin e hehe..

 
At 2:19 PM , Blogger tintin said...

Oh, I hope you and your family weathered the storm all right.

 
At 2:36 PM , Blogger Unknown said...

Melissa: Tara na!!

Girlie: OO nga. Napanood ko sa TV yung aftermath ng bagyong Milenyo, grabe.

Analyse: Awa ng Diyos Oks naman. Grabe ang hangin...ang kaibahan natin, ako eh may kabigatan at hindi madaling liliparin hehe.

Tintin: Thank God the storm is over. Kakatakot :-I

 
At 10:58 PM , Anonymous Anonymous said...

as always.. nadala na naman ako sa pagiging makata mo rhads. parang pati ako gustong tangayin ng hangin eh. take care

 
At 5:07 AM , Blogger Shalimar said...

hey will be at bengs party this march
i have been too busy with work

di masyado mahangin dito sa greece

 
At 9:04 AM , Blogger sachiko said...

saw it in the news and heard it from ruth,too..grabe,ingats ha!

wow,party na ni beng,hayy..sayang we will be a lil late..if ever i make it,hope we can meet up!

 
At 3:13 AM , Blogger Unknown said...

Nao: sa lakas ng hangin dito ay tiyak na natangay ang iyong balingkinitang katawan...

Melissa: kelan ba party ni Jhing?hehe.. honga, malapit na kami umalis dito, by June disappear na ang byuti namin sa mukha ng Germany.

Sha: I will surely try to be at neybor Beng's party. I'd like to meet you guys bago man lang ako lumisan sa Germany. Buti na lang hindi malakas ang hangin diyan sa Greece ano?

Ms. Sachi: Kelan ba ang balak mo magpunta dito? I'm keeping my fingers crossed that you make it before we leave....I'd love to meet my "inspiration"

 
At 6:10 PM , Anonymous Anonymous said...

pssst.. san punta mo pala? yung malapit sakin ha, para eb.. hehe.

 
At 5:05 AM , Blogger Unknown said...

Nao: Madami akong kamag-anakan diyan sa TO...hamo't kapag nagawi kami diyan eh kakalampagin ko haybol mo at hihingi ako ng kamatis at sibuyas....

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home