When it rain, it pours
I've got another TAG. Yes yes yo! But, unfortunately, it'll take a little while before I can post it. Kasi naman, kailangan ng (wastong) pag-iisip at pagbubutinting upang maayos na maiprisinta sa madlang people ang "face behind the blog". Dahil sa ngayon ay super duper mega over stress ako, ay baka mukha ng mangkukulam ang mai-post ko dito. Mahirap na no, baka nerbyusin pa at bangungutin ang aking mga mambabasa (OO, kasali ka doon, 3 lahat kayo, kaya sumuko na kayo, napapaligiran ko na kayo!) kapag nakita nila ang hitsura ko ngayon. Malaking pananagutan yon....
Dumating today yung first shipment namin ng household goods. 1000 lbs lang, pero parang natuliro akong bigla. Daming aayusin. Paano na kaya kung yung 11000 lbs naman ang dumating??? Lakas pa naman ng loob kong ipa-schedule this coming Friday. Miss ko na kasi ang king size bed namin. Sawa na akong makitulog sa mga anak ko. Imagine, kung hindi sa Bratz na kama eh sa Nascar bed ako natutulog? Akong mag-isa lang ang matuturete sa Byernes. Ay, paano ba yan???? Sakit yata ng ulo itong pinasok ko. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang karamihan sa mga gamit namin. Yung binili naming "german schrank", susme, saan ko ilalagay yun? Ang laki-laki kaya nun? Nababaliw na yata ako, kinakausap ko ang sarili ko, pero ayaw ko naman sumagot. Kasi naman, naman!!!!
Ding, ANG BATO!!!!!!!!!!!!!!!
6 Comments:
Naku Narda kailangan mo nga ng bato sa sitwasyon mong ito! tsakit sa ulo. I can imagine the hassle,within Germany lang kami ha pero Susme! toleleng sa mga gamit!! Take it easy ,ika nga ni Lionel Ritchie ay mali.Easy on Sunday morning pala kanta nya hahaha
Salamat naman pretty ex neigborhood,pagbigyan mo ako sa aking request,pede pang mag request yung kantang gustong gusto ko?:)
Seryosli my dear, take your time & Ingats
Yakang yaka mo yan Darna! Kung pudpod na yung bato ni Ding, papadalhan kita tutal madami akong panghilod dito, mamili ka lang from rough to semi rough or tipong makinis pa sa wetpu (ko daw oh!! bastos ano? he he)
isa-isa lang ang alsa-impake, wag ma overwhelmed, hokish?
ganda, pag may time ka, paki link mo na ulit ako (nak ng teteng, kalimutan daw ba ako oh, grrr!!) tatlo urls ko, mamili ka na lang hahaha!
personal (nandito chismis) http://dagboek.thesserie.com
food: http://eetsmakelijk.thesserie.com
at photography: www.thesserie.com
hello rhadadat, mustamos? huwag kang masiraan ng bait dahil lang sa mga pounds pounds na yan. isipin mong iot ang grams lang (hihihi). pwera biro maiintindihan kita dahil kong ilang beses din kaming lumipat noon. may time pa nga na two times a year kaming lumipat dahil 'di feel ni darling ang chefarzt. can you imagine na, i have just emptied the last box ayon, i-pack ko na naman mga gamit namin? kaya ang naging hobby ko noon ay auspacken und einpacken und so weiter. kabwisit nga naman.
kaya john...magsumikap kaaa! hehehe, o ano naalala mo pa ba yan?
ok biro bei seite, lass es dir langsam eingehen meine liebe. die arbeit läuft nicht davon kaya take it easy.
ladies: salamat sa inyong suporta. Sa susunod na halalan po, huwag ninyong kalimutang iboto si DARNA!!! seriously, i'm going to take your advice, that is, HINAYHINAY lang ang aking byuti. Naisip ko nga, bakit ba ako magpapa-stress, madadagdagan lang ang aking wrinkols hehe.
Have a nice weekend beautiful ladies of Europe!!
haha, buti ka pa, dumating na ang gamit at unti unti nang naililigpit. ako, nag-aabang pa. kunsabagay puro abubot lang naman ang inaabangan ko. pwede na sigurong di tanggalin sa kahon, bwahahaha!!!
hi, goodluck on your hhg. just finished ours today, grabe sa pagod. we're pcs'ing to guam...so goodluck to me when it's my turn to receive it :D. hilong-talilong talaga pag pack-out, grabe. ingat, TaLhey.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home