Kwentong Kutsero
Mayron akong isang kakilala. Sa Germany nag-krus ang aming landas taong 1995 at kahit papano ay nagkaroon din kami ng magandang pinagsamahan. Matagal din kaming nawalan ng komunikasyon sapagkat lumipat siya ng Amerika habang ako ay patuloy na nanirahan sa Germany. Hanggang sa dumating ang takdang panahon na kami ay tumulak na rin patungong Amerika (Hunyo 2007).
Dito ay naisipan ko siyang tawagan upang kumustahin. Heto, humigit kumulang ang naging paksa ng aming usapan. Itago na lang natin sya sa pangalang Darna.
Me: P*kP*k! Kumusta ka na??!! (halatang excited, tagal ba naman hindi nakapag-usap).
Narda: Ok lang ako! blah blah. Meron na akong Toyota Sienna. blah blah.
Me: Good! Mabuti naman.
Narda: kapatid, alam mo bang US citizen na ako??
Me: Talaga? Good for you! (sinserong natutuwa)
Narda: Kaya hindi na ako made-deport!
Me: Huh? Eh bakit ka naman made-deport?
Narda: eh kasi nga hindi ba kapag green card holder ka lang tapos gumawa ka ng kapalpakan dito eh pwede ka pang ma-deport sa Pilipinas. Eh US citizen na ako, kaya hindi na ako pwedeng i-deport!
Me: gagah! hindi ka nga made-deport, dito ka naman nila IKUKULONG! Tsaka ingat ka dyan sa lugar mo, kapag gumawa ka ng kalokohan, BITAY ang katapat mo.
Madami pa kaming pinagkuwentuhan, este, siya lang pala ang nagkwento. Hirap kasing makasingit sa dami ng ipinagyayabang nya sa akin eh. Pinapabayaan ko na lang. Hindi kasi ako mahilig mambara. Ikinukwento ko na lang kay neybor Des. hehe Pinagchichismisan, este pinag-uusapan na lang namin. Nakalimutan ko, HINDI NGA PALA KAMI CHISMOSA. bwahahahaha. Ang hirap naman kasi dito kay Darna, pakiramdam nya ay alam nya ang lahat. Ginagawa pang tanga ang kausap...sus.
Dami ko pang paligoy-ligoy. Gusto ko lang naman sabihin na HINDI NA RIN AKO MADE-DEPORT. Nung May 21 kasi eh nakapasa ako sa citizenship interview. Pano yan, baka hindi na ako ma-reach?
12 Comments:
ikaw ba ay may toyoto sienna na? bwaaaahhhh.
anu ba naman yan?
congrats sa citizenship mo, yehey di ka na madedeport at may rason na gumawa ng kalokohan...haha ang babaw.
happy weekend Rhads!
uy, congrats! naks naman. sabihin mo kay narda, blue passport ka na rin, at nagiging blonde na ang buhok mo, hehe... pag nalampasan pa nya yan, ewan ko na!
Congratsssssss!! Tunay ka, d ka na ma reach! lololol!
psst, baka kaya ganyan si Narda eh yung bato na nalunok nya ay hindi nabanlawan at puno pa ng libag?
(huh, ano daw ang konek? mwahihihi)
girlie: bwahahah. meron ako...kaso TOYO lang hahahah.
tama yang term mo, ang babaw! lol happy weekend 2 u too:-)
ruthie: hindi ko pa pwede sabihin kay Narda, wala pa kasi akong blue passport eh! hahaha. kelangan ko munang manumpa (oath taking) kay ankel sam. tsaka wala akong panalo dun, dahil sya ang pinakamagaling. laban pa ba ako???
mamah thekya: nyahahaha ang bato ay may banil! lol
ang mga pinagsasabi ni narda ay wala talagang konek. basta makapagyabang lang, kahit walang sense eh sasabihin nya hahahaha
nyahahaha...kasama pala ako dito sa chismisan. hehehe
oo nga eh, kaya ako, made-deport pa. hahahaha
talaga yang si narda oo...
bwahaha, natalo ka lang sa kayabangan, galit ka na kay darna.. ok lang yan, di ka na rin pala madedeport e.. o ingat sa kalokohan ha, baka mabitay ka din dyan hehe.
des: hahaha kasali ka talaga lol.
analyse: naku buntis, talo talaga ako. kung si rod navarro nga eh natalo nya, ako fa kaya? hahaha hindi sya kaya ng powers ko, dahil daig pa nya ang nasaniban.
kumare pers op ol---congrats! di na kita mari-reach at magiging i-slang ka na!
at teka, ano ba yung toyota sienna kasi si ate sienna lang sa batibot ang kilala ko eh
Hi Rhada,
Hahaha... ok tong kuwento mo.
Ako rin nga e, si ate sienna ng batibot lang din kilala ko. :)
Have a nice week!
Sofie
kumare: pers op ol din, salamat. hehe
ang toyota ate sienna eh yung gelpren ni toyota kuya bodjie di ba? Tapos pet nila si Pong pagong.
Sofie: hahaha mga "batang batibot" tayo! Have a nice day!!!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home