Sunday, September 21, 2008

Buga, Tira, Banat

Matapos kayong mag-inarte ng katakot-takot, may lakas pa kayo ng loob na muli na namang lumapit sa amin para humingi ng tulong? Matapos nyo kaming pagmataasan at kuwentuhan ng kung ano-anong kayabangan na para bang hindi namin alam ang kalikaw ng bituka ninyo, ano at heto kayo ngayon, muling nagpapaawa at nang-uuto? Ni hindi nyo naisip na yung nanay ko na kinakalampag ninyo eh namatayan ng biyenan at nag-aasikaso ng asawang may sakit. Magda-dialogue pa kayo na "alam kong hindi appropriate ang timing ng pangungutang", pero ginawa nyo pa rin. Ano tawag dun? Kapal ng mukha? Tibay ng dibdib? Tapang ng sikmura? Bilib ako sa tapang ng karakas nyo.

Well, guess what? If I had any extra money to spare, I'd rather spend it on a new pair of MBT shoes than give it to you. Because frankly, I don't think you deserve it.

-----------------------------------------------------------------------

10 Comments:

At 12:17 AM , Blogger tintin said...

Some people needs lotsa lotion to soften their thick skin. Sorry you had to go through all that!

 
At 5:54 PM , Blogger Francesca said...

rhada, sali ako ng lima(euros)

litanya ko sa mga parasites na yan:"frankly my dear, I dont give a damn" ano man ang problema nyo.
I have enough poblem to sortout first.Bye, ciao, sayonara. ARIGATO, kumbawa!sus!

teka, tama ba yun, mangungutang????

 
At 10:59 PM , Anonymous Anonymous said...

kumare, wag aksayahin ang pera sa di dapat. hindi pagdadamot but simpleng nadala ka na at nawalan ng gana. di naman ako nagtataka at sa haba ng pisi ninyo ni titamommy, naputol nila. so sige, bilhin na yang MBT :-)

 
At 8:00 PM , Blogger Unknown said...

tin: even the most expensive lotion won't work.....ibang klase ang mga ito... ;-)

 
At 8:03 PM , Blogger Unknown said...

madam francesca: korek ka jan!!

oo, as in mangungutang...este, "magpapa-abono" daw. Kesyo sa Sept 21 daw babayadan...so isip namin, intay na lang sila Sept 21...ang kaso nakalipas na ang Sept 21 eh nangangailangan pa rin sila...ano ibig sabihin nun? balak kami dugasin??

 
At 8:03 PM , Blogger Unknown said...

madam francesca: korek ka jan!!

oo, as in mangungutang...este, "magpapa-abono" daw. Kesyo sa Sept 21 daw babayadan...so isip namin, intay na lang sila Sept 21...ang kaso nakalipas na ang Sept 21 eh nangangailangan pa rin sila...ano ibig sabihin nun? balak kami dugasin??

 
At 8:05 PM , Blogger Unknown said...

kumare: talagang hindi naman sa pagdadamot...kilala nila ako, dati konting parinig lang nila, o kaya eh basta maramdaman ko lang na kailangan nila eh ako mismo ang nagkukusa...pero after ng ginawa nila....wag na lang. sayang lang. wala naman mabuting patutunguhan...dala na ako.

 
At 9:51 AM , Anonymous Anonymous said...

Oo nga ibili na lang ng shoepatus!

Rhadababe, kumsuat na tita ganda?!! Bumangon na ako ulit sa halos 2 buwan na pagkakahimlay at muling mangungulit sa imo...

ay back to topic pala, marami talagang kapal muks eh

 
At 9:49 AM , Blogger marie said...

hehehe tama ka Rhads, wag magpa uto buti pa nga bili ng shoes maligaya ka pa.

 
At 10:31 AM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

o ang puso mo...ano ba yan mandarambong...uutakan pa kayo, haaayyy tao nga naman

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home