Tim Tim Itim
Pinsan ko. Nakatira sa Japan. Nag-email sa akin. Kung pwede ko daw siyang ihanap ng CD ni David Cook, yung mayro'ng Always Be My Baby at Tim Balan, yung mayro'ng APOLOGIZE. Wala pang nare-release na CD si pareng David Cook kaya naisipan kong ihanap siya sa Ebay. Swerte naman ako na makakita ng CD na compilation ng mga kinanta nya sa American Idol. Dagli ko itong inorder kahit pa may kamahalan kumpara sa regular na CD. Sunod kong hinanap sa internet ang Tim Balan. Wala akong makita. Minsan nung lunch break ko ay nagtungo ako sa Walmart, para ako mismo ang maghanap sa CD section nila. Kahit ako ay walang nakita. Suko na ako.
Pero huling hirit. Gusto ko kasing tuparin ang kahilingan ng pinsan ko. Minsan lang naman humirit yun eh, at malapit pa ang kanyang kaarawan. Naisipan kong lapitan ang isang empleyado at tanungin kung mayron ba silang CD ni Tim Balan, na may kantang APOLOGIZE. Mukhang na-puzzle yung babae. Halatang nag-iisip. Maya-maya pa ay nagtungo ito sa isang hilera ng mga CDs. Hanap. Iniabot sa akin ang CD. Binasa ko ang mga kanta. May APOLOGIZE. Iniharap ko sa akin ang CD, tumambad sa akin ang singer...TIMBALAND. Anak ng tokwang malabsa!!! Kaya naman pala hindi makita ang pinapahanap sa akin eh mali pala ang hinahanap ko. Pahiya ako sa ale (konti lang naman).
Presenting:
Tim.....Balan....nyahahahaha
4 Comments:
nyahahahahaha
well, hindi rin ako updated sa goings-on sa music industry kaya pagbigyan ang misheard ekek ng pinsan!
Buti hindi naging TiK BalanG! he he
naku matanda na talaga akesh...nde ko na kilala yang si Tim bhu hu hu!
kumare, ako din out! kala ko eh super slang ng timberlake ang sambit haha
hehehe ladies, sign ba yan na tumatanda na tayo???? Napag-iiwanan na tayo sa uso???? wahhhhhhhhhhhhhh
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home