Aral
Biglaan ang kanyang pamamaalam. Halos ay hindi nga ako makapaniwala ng marinig ko na magbibitiw na siya sa kanyang tungkulin. Ang aking boss. Babae. Tapamanihala ng bangkong aking pinagtatrabahuhan. Mayroon daw siyang kailangang kaharapin. Issue sa pamilya. Sa anak na babae na ngayon ay labinlimang taong gulang na. Pinagsisisihan daw niya ang mga panahong hindi niya nagampanan ang kanyang tungkulin bilang ina. Inuna niya ang kanyang karera. Ang pera. Ang ambisyon. Isinakripisyo ang panahong dapat sana ay iniukol sa kanyang mga anak. Ngayon daw ay tila huli na ang lahat.
Nakapanghihinayang. Mabait ang aking boss. Masayahin. Hindi mo aakalaing may dinadala sa kanyang dibdib. Sana nga ay hindi pa huli ang lahat.
8 Comments:
Ako nga hindi mapakali kasi ayaw ko ng mag trabaho. Kahit 1-2 years lang na akong maging SAHM okay na sa akin. Pero ganitong napaka liit nya gusto ko nandyan ako para sa kanya.
Naka lungkot naman ang sitwasyon ng boss mo.
I feel sorry for her! sana nga hindi pa huli
yeah, time flies :(
tin: i understand how you feel. nung maliit pa si Alexis, I chose to stay home. I waited until nakakapagsalita na siya bago ako sumabak sa work force. I want her to be able to tell me kapag may nang-aapi sa kanyang ibang tao. Medyo paranoid ako dati....
Mahirap talaga ang maging nanay. I feel sorry for my boss. ita ko ang panghihinayang sa career nya, but this is a sacrifice she has to make para sa ikabubuti ng anak nya....and I believe she made the right decision.
cheh: I told her na darating ang panahon na makikita ng anak nya ang sakripisyong ginawa nya...and she'll appreciate her mother more.
justice: hirap talaga magpalaki ng nanay, este ng anak pala....:-)
hmmm..sounds like my story! after 2 months working with her, she resigned with same reason--for her little girl! yun nga lang her little girl is only 7 years old..
nway, thanks for dropping by, ate :-) yep! i will link you up! ;)
Shit, i just re-read my tagalog sentence. Bokya!
tin: your tagalog is fine! bilib nga ako..... ;-)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home