Saturday, March 22, 2008

PAYAT na AKO!!!!!!! (in my dreams)

Hindi ako makapaniwala! 6 lbs. Halos tatlong kilo. Bawas ang timbang ko ng 6 lbs sa loob lamang ng isang araw. Talagang hindi kapani-paniwala....

Heto ang aking sikreto....

Nagsimula akong manghina araw ng Huwebes. Parang patang-pata ang aking katawan. Hindi ko mapigilan ang paghikab kahit sa harap ng aking mga kliyente. Nakailang tasang kape na ako ay wala pa ring epekto. Parang hinang-hina ang katawan ko. Nang makauwi ako ng bahay ay ipinasiya ko na lamang mamahinga. Ibinili ko na lang ng McDo ang mga bata para sa hapunan nila. Nilamon ko ang french fries. Tinawagan ko si Steve at sinabihang bumili na lamang sya ng hapunan nya sa labas sapagkat wala akong balak magluto.

Nang gabi ring iyon ay halos hindi na ako mapakali. Parang may pumipiga sa bituka ko. Pati ulo ko ay parang lumulutang na rin. Ilang beses kong kinausap ang inidoro. Halos lahat ng pwedeng isuka ay naisuka ko na. Muntik pang sumama pati ang bituka, atay at balun balunan. Kinabukasan ay ipinagpasya kong lumiban sa trabaho. Hindi kaya ng powers ko. Buti na lang at nasa bahay din si Alexis, sya ang nag-asikaso sa kapatid nya. Sinusubukan kong kumain upang manumbalik ang aking lakas ngunit lalo lamang itong nagdudulot ng maigting na sakit sa aking sikmura.

Ngayon ay medyo nakakabawi na ako. Saging at ginger ale ang nakapagpabuti ng aking pakiramdam. Sana ay magtuloy-tuloy na ang paggaling ko.

Maraming salamat nga pala sa aking mga kaibigang nag-iwan ng bakas at komento sa aking nakaraang post about GowGel. Pasensya na at hindi ko kaagad nasagot....sa mga nagtatanong kung ano ang pr, hindi ito permanent resident (hehe mareng hustisya). Ito ay ang makabagbag damdaming page rank. Sa aming mga lumalagare ng paid posts, ito ay napakahalaga sapagkat kapag mataas ang pr mo, madami ding opportunities ang makukuha mo, na nangangahulugan ng anda, datung, salapi, money.

6 Comments:

At 10:17 AM , Anonymous Anonymous said...

Inday, naguluhan ako.may sakit ka ba? Sana naman gumaling ka na!

Happy Blessed Easter to you and your family.

 
At 11:25 AM , Blogger Unknown said...

mamah thekyababe! Yes, ako ay nadale ng stomach virus. Kung noong Biyernes ay pagsusuka ang pinagdaanan ko, kahapon naman ay LBM...susme...ang hirap pala. Pinipilit kong kumain para magkaroon ako ng lakas pero wa epek pa rin.

Happy Easter to you too!!!! muwah! (ay wag na kiss, baka mahawa ka pa) ;-)

 
At 3:33 PM , Anonymous Anonymous said...

Happy Easter!

hehe...on involuntary diet ka pala. ako, hindi naman kagaya ng sa iyo ang nawala. 4 lbs lang. involuntary diet din. :)

 
At 1:05 AM , Blogger tintin said...

Eh anong sagot ng inodoro? Hahah


Seriously, I'm glad you're feeling better. Getting diarrhea and throwing is no joke!

 
At 2:46 AM , Anonymous Anonymous said...

shucks, 3 kg in just a few days? ok yan ah... di bale, bawi ka na lang sa kain... hope you still had a fun eastertime, though!

 
At 5:03 AM , Anonymous Anonymous said...

hahaha gifted ka talaga sa pag define in tagalog. Kahit doon, baklang bakla! hahaha

Miss na kita, Rhada!!!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home