Monday, March 10, 2008

Pinoy telemarketer

Pag-uwi ko ng haybol matapos ang sandaling trabaho ay nag-check ako kaagad ng answering machine. Walang bagong messages, pero may mga ilang tawag ang 1-800 number. Habang naghahapunan, muling nag-ring ang telepono. 1-800 number na naman ayon sa caller ID. Normally, hindi ko sinasagot ang mga ganitong tawag, pero dahil na-curious na din ako, sinagot ko na. Sa kabilang linya ay isang representative ng Chase bank. Gustong makipag-chika tungkol sa credit card na binuksan ko sa kanila. Nung binili ko kasi ang swingset ng mga chikiting patrol ay nagbukas ako ng credit card sa ToysRUs para maka-discount ng 10%, na kaagad ko din namang binayaran dahil ayaw kong magbayad ng interest (sayang naman ang natipid ko no!). Anyway balik tayo sa telemarketer...

Pamilyar ang kanyang accent. Halatang saulado ang mga linyang binibitawan (ewan ko kung binabasa) kasi kahit interrupt ko sya, balik sya sa spiel nya kaagad. Verify nya ang name and address ko. Imbis na Michigan eh MI (em-ay) ang sabi nya kaya na-confirm ang hinala ko na he's not calling from the States. So paligoy-ligoy muna sa umpisa....sinabi kung magkano ang credit limit ko pati ang available balance ko. Kinorek ko sya kaagad, sabi ko wala akong outstanding balance dahil binayaran ko kaagad online. So offer nya naman ang Fraud protection, $7.99 a month daw. Tanggi ako ulit, sabi ko ok lang ako. Next offer nya naman ang balance transfer, 5.99% daw. So chika pa sya ng chika, hindi ako pinapasingit. So sabi ko, "where are you calling me from?" Sabi nya, "Manila"...."you speak Tagalog?" sabi ko naman ulit. "Yes", tugon niya. ..."OK lang ako...salamat...". Medyo huminto sya, "ok ma'am" tapos tuloy tuloy ulit. Tinapos ang binabasa. Pinakinggan ko na lang, hanggang mag-babay na sya.

Buti na lang kabayan ko sya, kasi kung hindi, tinarayan ko na sya. Syempre he's just doing his job. Madaling araw kaya sa Pilipinas nun?! Pero, Haller, 5.99% balance transfer rate, eh samantalang yung bankong pinapasukan ko eh 3.9% lang? Tsaka bakit kailangang may monthly charge ang fraud protection, eh kahit naman hindi ako magbayad nun eh protected ang Credit cards against fraud. Kaya nga mas advisable gamitin ang credit kesa debit noh! Yun lang.

Lumamig tuloy yung dumpling na kinakain ko, sus!

11 Comments:

At 2:59 AM , Blogger Mec said...

kaloka yang mga ganyan... at lagi ko sinasabi sa sarili ko, isusumpa ko ang kaibigan kong magbibigay ng panagalan at number ko sa mga ganyan... susmio

 
At 5:54 AM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

haha, sakin di makalusot, sa una pa lang sinasabi ko na again, sorry but i'm not interested, sa pinakamababang voice ko, o di ba, nagwork, natakot yata kasi boses hukay, bwaaaaahhhh

 
At 8:24 AM , Anonymous Anonymous said...

noong una, panay ang sagot ko ng phone kasi, akala ko talaga importante. saka, how can they already have our number kung about 2 days pa lang yung linya namin, right? yeah, right! mabilis pa sa alas-kwatro na makakuha ng phone numbers pala ang mga 'yan hehe

kaya tuloy ngayon, i don't answer calls from 800 numbers, or unavailable. kung importante talaga sila, they'll leave a message and i can always call back. although, minsan, they do leave messages, and they seem to be important calls...nga lang, para sa previous owner ng phone number namin nyahahaha

 
At 11:06 AM , Anonymous Anonymous said...

merong nag-ganyan sa akin dito pero maniwala ka't sa hindi, cookbook naman! at kumare, di basta-basta cookbook--"pang-pana" recipes! susme, ako pang bentahan ng "curry?"---'ken' eat but 'kennot' tolerate that well hehe

bisto rin sa accent so i told him off nicely na "salamat pero ok lang ako"--nung malamang kabayan ako, eh lalo akong kinulit. after ilang minuto ng pangungulit at pagtanggi, napilitan tuloy akong magsabi ng, "sorry pero di ko kailangang aralin ang pana food kasi bibili na lang ako sa labas kung takamin ako."

 
At 6:48 AM , Blogger Unknown said...

mec: sinabi mo pa, kaloka talaga! naku, hindi na kailangan ibigay ng friends mo ang name ang number mo sa telemarketer, dahil sadyang napakalakas ng pang-amoy ng mga yan. minsan sa mga malls, kunwari may pa-raffle, tapos sulat mo name, email, phone #, hala, yare ka na nyan dahil binebenta nila sa telemarketers.

 
At 6:50 AM , Blogger Unknown said...

girlie: hindi ko sukat akalaing pati sa Pilipinas, meron na rin ganyan? aba, lumalawak na talaga ang kanilang mga galamay ha. Ako nga minsan nagkukunwari na walang nadidinig tapos binababa ko phone eh..hahahahahaha

 
At 6:52 AM , Blogger Unknown said...

des: yun nga eh, lalo na yung unavailable number...minsan kasi kapag unlisted yung number eh galing Germany...yun pala, sus! Meron nga minsan msg iniwan sa ans machine namin na nagkokolekta ng utang ng isang tao na hindi naman namin kilala.

 
At 6:54 AM , Blogger Unknown said...

kumare: next time sabihin mo, kung luto na eh tsaka ka na lang bibili, pero kung paghihirapan mo pa lutuin eh wala kang weather (panahon) hahahaha.

Ang kukulit nila, grabe.

 
At 8:32 AM , Anonymous Anonymous said...

me effective na paraan ako dyan, sinasabi ko na lang na i dont speak french, tapos ang usapan bwehehehe..

 
At 1:22 PM , Blogger tintin said...

These prey on people who don't know better unfortunately.

Uy, helloooo there!

 
At 6:21 PM , Anonymous cebu telemarketing said...

Hmm, wala na tayong magagawa, trabaho nya yun eh, hehehe. saludo ako sa effort niya kahit ayaw na nang tinatawagan niya ay gawa parin xa sa trabaho niya.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home