On Ramielle Malubay
Sa totoo lang, first time kong bumoto sa American Idol. Naawa kasi ako kay Ramielle...although nauubos na ang pasensya ko sa kanya dahil hindi nya masyadong pinaghuhusayan, I still want her to continue sa kanyang American Idol journey....I want her to prove na magaling sya. Na kaya nyang ilampaso ang mga kalaban nya. But, to achieve this, she needs to LET GO and just SING! Para kasing masyadong kontrolado ang boses nya eh. Kung ako sa kanya, ibubuhos ko na ang lahat-lahat....kasama pati atay-balun-balunan. Pick some nice birit songs. Ipakita ang vocal powers.
Akshuli, like ko naman ang kinanta nya dahil isa ito sa aking mga paboritong kanta. In My life ng Beatles, sino ba naman ang hindi mata-touch sa kantang ito. Yun nga lang, medyo na-bored ang mga judges. Heniwey, Go Go Go Ramielle!! Next week kapag boring na naman ang rendition mo, mapupudpod ang daliri ko sa kakadial ng number mo! Maawa ka naman sa hinlalaki ko!!!
Heto, two weeks ago kinanta nya....
11 Comments:
kumare, since di ko nasusundan itong american idol na 'to, atleast via you-hoo eh IN pa din ako haha
at magaling nga ang boses, may ibubuga pero takot itodo, conscious eh...pati ako nabibitin sa kaya niyang ilabas when i was listening---kulang sa ooomph kumbaga
e di gamitin mo yung kabilang hinlalaki hehe.. para pantay.
kumare: yun na nga mismo...alam kong kayang kaya nyang pataubin ang mga kalaban nya, kaya lang eh masyado syang pigil na pigil. Malawak ang kanyang vocal range, tsaka ma-aapeal sya sa masa. Kinakatakot ko, baka mamaya dahil linggo-linggo syang idina-down ng mga judges, eh baka mabrainwash din ang mga tao at hindi na sya iboto.
ana: OO nga no!!! tumpak ka jan!!! *apir
oo nga...sana ibigay na niya ng todo todo every week. i mean, di bale sana kung walang elimination until the finale di ba? ok lang dahan-dahanin kung ganon, para may matira sa bandang huli.
rhads, dapat eh puntahan mo si ramielle...turuan mong gumapang habang kumakanta ng 'unbreak my heart'! hahaha
haha, gamitin mo na lahat ng daliri mo, kamay at paa, yan man din lamang awang awa ka na, bwaaahhh...peace!
o nga tama si Des, popular na popular talaga yang pag gapang mo!
Hola Rhada! Eh kung ikaw pa sumali sa AI mapapataob mo itong si Ramielle eh!!
Tama si Simon, lounge/hotel singer ang dating ng dalaginding na ito. Up until this song, masyadong 'relax' at kulang sa 'uhaw' para manalo...kung ako manager nito, 'tamad' ang tawag ko sa kanya. At kung ako din manager nito, pasisiprahin ko ito ng mga oldies (tutal mahilig sya dito) pero may dating at babagay sa boses nya...mala Shirley Bassey o kaya mga pamatay ni tita Tina Turner, pukpukan at bugahan talaga sa ensayo ...Ramielle is playing 'too' safe..na malamang magpahamak sa kanya =(
just my 3 cents sensha na po, nadarang lang ang komento :P
des: yun na nga mismo...tinitira na sya ng mga judges dahil sa mga nakakatamad nyang kanta..syempre ang mga tao, kahit panay ang boto sa kanya ngayon eh magsasawa din kung wala syang bagong maipapakita.
bayaan mo, papadalhan ko sya ng video ko habang gumagapang nyahaha.
girlie: honga eh, syempre gusto ko makaabante pa rin sya...this Tuesday, pati si Steve papa-dialin ko sa telepono. Yan eh kung mag-improve sya kahit papano!
popular talaga yung paggapang kong parang bulateng nilagyan ng asin kaya nagkikisay. hahahaha buti na lang hindi nila nakita yung pole dance ko hahahah char.
mamah thekya: hayan, coming from a Pro (you) eh talagang na-validate ang haking peelings abawt ramielle. yun ng nga mismo ang hinaing ko eh, parang hindi sya "uhaw" sa panalo. parang lalamya-lamya. powerful ang boses nya, pero kung hindi nya gagamitin eh mawawalan ng interes ang tao sa kanya.
Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home