Bulaklak
Hindi ko namalayan....isang araw pag-gising ko at nagulantang ako sa kagandahang tumambad sa aking paningin. Kailan kaya nangyari ito? Paanong hindi ko namalayan?
Ngapala, napagdesisyunan naming mag-asawa na bumayad na lang ng propesyonal na mag-aalaga sa aming lawn (ano nga ba ang lawn sa tagalog?). Napuna kasi naming parang medyo napapag-iwanan ang aming lawn. Nakakahiya sapagkat luntian na ang damuhan ng aming mga kapitbahay subalit ang sa amin ay medyo brown pa. Nahahalata tuloy na wala kaming pakialam, este karanasan. Gastos na naman, pero ganun talaga eh, hindi namin hilig ang maghalaman kaya ipaubaya na lang sa iba.
PS
Mamah Thekyababe at KC, salamat ng marami sa TAG. Pwede Utang muna? pramis, next time na nagkaroon ako ng pagkakataon eh gagawin ko na ....pramis...pramis...pramis...
9 Comments:
sa amin din, medyo napapag-iwanan. hehe pero hindi lang naman kami kaya okay pa kahit walang professional na mag-alaga. saka mukhang may pag-asa naman yung lawn namin...tapos, hindi naman kalakihan yun...kaya ok lang for now.
ang ganda naman ng mga bulaklak! tanim mo, o tanim na talaga nung dumating kayo?
des: nakakahiya kasi eh. nagtutuksuhan nga kami ni Steve na mukhang "ghetto" yung lawn namin kumpara sa iba...akala ko nung una, case lang ng "grass is greener on the other side of the fence" yun pala tututs na hahaha.
isa sa mga naka-bighani sa aming mag-asawa nung tignan namin ang bahay na ito ay ang napakagandang landscaping na halatang pinagbuhusan ng panahon, kaya nakakahinayang na hindi alagaan..kaya't OO, dinatnan na namin yang mga halamang namumulaklak na yan. ganda no? meron pa sa likod bahay na kulay parpol naman ang mga bulaklak hehehe.
uy kelangan mo si Butler to take of your garden.
libre, basta me chicks na makatsika sa kabilang bakod, hehe.
Ganda nga ng may garden. Pangarap ko rin yan.
Para na rin ke cheeky to roam aroundin the evening looking for rats.
La eh. Apartment lang kami. Kaya ang loko, tanim ko sa paso ang pinagdiskitahan kalkalin!
one day, uwian ko siya ng daga. Buhay pa.
damuhan yata ang lawn. Ganda naman ng bulaklak hitik na hitik.
ah baka kaya di mo namalayan kala mo isno lang kasi magkasing kulay sila.
pogi naman ng darling boy mo. Asan yung kay Lexi?
parang jack and the beanstalk hehe bigla na lang umusbong :)
hay, gastusan na lang ang garden para di na ma-harass ang beauty mo, este ng halaman pala hahaha mishu kumare!
madam francesca: OO nga, tiyak na mapapakinabangan ko ng husto si Butler dito...kaso nga lang, hindi ko kaya ang salary requirement nya..kung kachikahan lang ang problema eh oks na oks lang dahil madami akong ichi-chika sa kanya hahaha.
ate marie: isip nga ako ng isip kung ano ang lawn sa tagalog eh. oo nga, ganda nung mga bulatlat, este bulaklak..nakakabighani hehe
girlie: palagay ko nga tama ka...sa dami ba naman ng isnong pinagdaanan namin dito. pero ngayon eh kakatuwa na...mainit-init na rin dito sa wakas.
kumareng hustisya: MISHU too!!!!!!
ganda ng bulaklak. :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home