Pagninilay
Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito
Kaya't anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon
Oh anumang kabutihan ang maari kong ipadama
Itulot nawang magawa kong lahat ang mga bagay na ito
Nawa'y huwag ko itong ipagpaliban
O ipagwalang bahala
Sapagkat 'di na 'ko muling daraan
Sa ganitong mga landas
*Isa sa pinakapaborito kong awitin noong ako ay umaawit pa para sa aming munting simabahan sa Pasay. Isang magandang panuntunan sa buhay na walang pasubali kong ginagawang gabay.
3 Comments:
naku ang lalim, di ko maarok.Well, minsan lang tayong dadaan sa mga experiences sa buhay and we have to make the most out of them.
hay very nice song talaga yan :) paborito ko rin nung kumakanta pa ako sa church namin sa santiago...
ate marie: di ba nga may kasabihan tayo na "aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?". Naks, matalinhaga hehehe.
eden: di ba, ang ganda talaga? feel na feel ko yan eh!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home