Sunday, February 22, 2009

Tawa muna

Jokes na nahalukay ko sa email ng nanay ko hehe....

PEDRO: Niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: Paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: Nagpaload ako eh wala naman akong celfon.
******
INA: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.]
ANAK: Nay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'You only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay dahil mukhang matapobre.
******
Nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: Sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: Bobo! Seedless ito!
******
STUDENT: Ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: Natural hindi.
STUDENT: Good, di ko po ginawa ang assignment ko!
******
Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: Naku sir, more than 500 years old na po yang vase na iyan!
ERAP: Hay salamat. Akala ko ay bago
******
Sa Math Class...

Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Banong: 2 po ma'am!
Teacher: At kung hinati ko pa pareho?
Banong: 4 na piraso po!
Teacher: Hinati ko ulit.
Banong: 8 piraso po.
Teacher: Hinati ko pa.
Banong: 16 po mam.
Teacher: Hinati ko pa?
Banong: 32 piraso na po!
Teacher: Kung hinati ko ulit?
Banong: 64 po! (nakangiti)
Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
Banong: Ay susmaryosep ma'am! GINILING na po! GINILING!!!
******
Divorced father: Anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: Mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: Sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!
******
And now here's something to think about....

Kung totoo ang 'Darwin's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo?

BWAHAHAHAHAHAHA Happy Monday everyone!!!!!!
--------------------------------------------
p.s.

what do you think about laptop memory upgrade? do you think it's worth it, or would it be cheaper to buy a new machine? for someone like me who has no talent nor the patience to tinker with computer hardware, it's a safer bet to buy. laptops nowadays have become really inexpensive, they're almost disposable.

3 Comments:

At 12:32 PM , Blogger Francesca said...

Oo nga, hindi lang mukhang kabayo, yung iba, mukhang sandok, lol

uy, patawa muna ka ha, mukhang hapilayf ka dyan ah, panalo ba sa lotto?
balato naman o

 
At 10:31 PM , Anonymous Anonymous said...

kumare, walang sablay na para akong baliw sa opisina tuwing may joke kang naka-post!

 
At 8:58 AM , Anonymous Anonymous said...

hehehe

musta neyborhood?

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home