Saturday, February 10, 2007

Ang babaing hitad

Isang isa na lang.....isang isa na lang at talagang may bi-BINGO na dito sa tabi-tabi.

Ang aking kapitbahay...ang luka-luka kong kapitbahay. Matagal ko na itong pinagpapasensyahan. Kaunting utot sa aming palapag ay nakareklamo na kaagad ang damontres. Nandiyang malakas daw ang TV (na kalaunan ay hindi naman pala TV namin ang naririnig nya), andyang nagreklamo dahil maiingay daw at nagtatakbuhan ang mga bata (Halloween noon, kagagaling lang magtrick or treat ng mga bata at hyper na hyper sa candies hehe). Eh alangan naman palutangin ko sa hangin ang mga bata??? Ano sya Hilow? Anyway, hinarap na namin sya ni Byutipul neybor Des, pero wala pa rin talagang kadala-dala ang bruha dahil heto at may love letter na naman akong natanggap sa hinayupak.

Maingay daw ang aming lamesa sa kusina. Hindi daw siya makatulog dahil nadidinig daw nya ng 11PM, 1AM, 4AM ek ek. Hello? OK lang kaya sya? Eh tulog na ang byuti ko non? Anyway, hindi ko sya pinatulan dahil may kasamang paawa ang sulat nya. She's suffering daw from a "tremendous meltdown". She cries daw for no apparent reason. At umiinom daw siya ng anxiety pills. Kumunsulta na daw siya sa nurse, sa chaplain, sa doctor at kung sino-sino pang propesyonal. Ang sabi daw ng doctor nya ay "normal" lang daw yung nararamdaman nya. Haller???? Normal ba yung daig pa nya ang nakatira ng shabu sa sobrang paranoid nya? Normal ba yung umiiyak ka ng walang kadahilanan? Normal ba yung lahat sa paligid mo ay nakakainisan mo? Kung iyon ang normal, aba eh, di bale na lang akong abnormal. And care ko ba sa mga personal nyang problema? Pwede ba, hindi kami close!

Isang parte ng isip ko ay naawa sa kanya. Isang parte naman ay gusto siyang dambahin, itali sa leeg, ibitin ng patiwarik, hiwa-hiwain ng blade ang kanyang balat, tapos ay patakan ng calamansi o budburan ng asin ang sugat. Hindi pa kasi ako nito kilala. Akala yata porke nagpapasensya ako eh may libreng passes sya para ako ay asarin. Gayunpaman ay tinawagan ko pa rin sya at naki-simpatya. Dalawang linggo na lang kako at darating na ang asawa niya, which in reality means dalawang linggo na lang at yung asawa na niya ang kukulitin nya at hindi na ako! bwahahaha

12 Comments:

At 6:44 PM , Blogger Unknown said...

nangungulit na naman yang kapitbahay mo na yan?! walang kadala-dala talaga!

tama bang idamay pa kayo sa depression nya.

 
At 12:50 AM , Anonymous Anonymous said...

kung naglalakad paroo't parito ang neighbor mong yan, o kaya eh nakatanga buong maghapon, o kaya eh bubungisngis at pailalim na kung makatingin... (ngiii! hindi lang basta paranoia yan!) schizoprenia na yan malamang ikaw pa madamba. Naku mag ingat samga ganyang tao.. hindi nga. At dapat ngang lagi mong isamang padrino si byutipul neighbor mo Des. Take care and happy Sunday Rhads

 
At 2:41 AM , Anonymous Anonymous said...

nakakaawang nakakainis! sobrang bait kapag kaharap ka, yun pala kung ano-anong pinagsasasabi sa iba tungkol sa mga byutipul neybors niya! pero, teka nga, bakit nga kaya ikaw lang lagi ang tinitira niya, ano?

sana nga, maiba ang ihip ng hangin kapag dumating ang asawa nya. hay naku.....

 
At 3:45 AM , Blogger Unknown said...

AnP: ikaw ba yan? hehe kulang ng P kasi eh, pero ipagpapalagay ko na lang na ikaw nga yan....

OO eh, hayuf talaga itong bruha na to... gusto ko na ngang sabihin na "hija, hindi ang mesa ko ang problema...IKAW!!! nyahahaha

nao: Baliw nga yata ito talaga, pero kahit maging schizo pa siya at tangkain nya akong dambahin eh hindi nya ako kaya...baka siya ay maihulog ko sa hagdan na hindi sumasayad sa lupa. Happy Sunday din sa imo....

des: kaya ako ang tinitira nyan kasi eh naririnig nya kaming palaging masaya habang sya ay miserable, at inggit sya dahil kasama ko ang mommy ko. tsaka kasi nung bagong lipat yan eh she suggested na maglaro daw si Steven at yung anak nyang mana sa kanya, eh hindi ko pinatos ang offer nya kaya ayun, ngitngit ang bakokang nya...hahaha

 
At 8:29 AM , Blogger marie said...

haller at ikaw ang pinagbuntunan ng pagka baliw ng luka lukang yan!
Hehe wag mong pansinin intindihin mo nalang na may "tama" sa utak yan.

 
At 2:56 AM , Blogger cheH said...

Bakit nagkakalat mga babaing hitad ngayon? lol nagkaroon din ako na kapitbahay na ganyan pero eventually naging close din kami,nagka boyfriend kasi kaya ganun kaya lahat masaya lol

 
At 5:18 AM , Blogger Scener said...

yikes, nagreklamo sya dahil dun sa halloween? soweee!!!!

haynaku, either wala lang talagang magawa yan kundi makinig ng mga kaluskos, or talagang may tama.

di kaya may topak talaga yan, at yung mga naririnig nya, eh hallucinations???

 
At 5:48 AM , Blogger Unknown said...

ate marie: Kaya nga yata umaabuso ito kasi hindi ko pinapatulan. Hindi ko pa napapakitaan ng makabagbag-damdaming sapak at sipa hehe. Pero kasi naniniwala ako sa kasabihang ang pumatol sa baliw ay mas baliw hahaha.

jing: bago ang lahat, salamat sa iyong pagdapo sa aking blog, sana ay huwag kang madadala....

talagang malakas ang tama nitong kapitbahay ko...praninggols....lol

 
At 5:51 AM , Blogger Unknown said...

CheH: itong isang ito eh hitad sa dilang hitad hehehe. kahitad-hitarang hitad ikanga. At magapatuka na lang ako sa ahas bago kami maging friendship nito hahaha.

Ruth: Di ba nga kaya pikon na pikon kami ni Lourdes noong Halloween eh dahil kumatok at nagreklamo? Eh ni wala pa ngang 10Pm noon at hindi naman excessive ang ingay ng mga bata.

Napag-usapan na rin namin ni Lourdes yan, na baka yung mga naririnig nya eh nasa isip nya lang. Di ba ganun ang mga napa-praning? hehe

 
At 6:10 AM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

uy parati kang titingin sa paligid mo ha, baka isang araw e palakulin ka nyang hitad na yan sa kapraningan...di mo pa naman sya pinapatulan

 
At 8:13 AM , Blogger Suzy Wannabe said...

ako nga po... si AnP. ewan dyan bat kulang.

oy, sa saturday ha? paki remind ang sarili at si des na din na pag sinabing sa kaliwa liliko, wag sa kanan lumiko at baka di nyo mahanap bahay nla jhing. hehe

 
At 10:16 AM , Blogger Jovs said...

Ang saya talaga ng may kapitbahay na may tililing ano? Kami naman nakatukan na dati kasi maingay daw ang paglalaro namin ng playstation. Eh hellooo hapon pa lang po nun. =p

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home