Ligalig
Narito ako, kaibigan. Handa kitang damayan sa oras ng iyong pangangailangan. Handa akong makinig. Handa akong maging sandigan mo sa anumang oras na ako ay kailanganin mo. Higit sa lahat, handa akong iparinig sa iyo ang mga bagay na hindi mo nais marinig...dahil yan ang inaakala kong MAKAKABUTI para sa iyo.
Hindi ko nais na saktan ka. Hindi ko nais ipamukha sa iyo ang katotohanang tila baga ayaw mong marinig. Ngunit tungkulin kong protektahan ka. Hindi sa ibang tao, kung hindi sa iyong SARILI mismo. Kung ang matatalim kong salita ang gigising sa iyong naghihingalong diwa, siyanawa.
Batid kong labis ang iyong kalungkutan. Unti-unti ka nang nilalamon ng depresyon, ng awa sa sarili at kawalan ng pag-asa. Ngunit solusyon ba ang pagtakas? Nakatitiyak ka bang kapag winakasan mo ang iyong buhay ay matatapos na rin lahat ang paghihirap mo? Isa kang DUWAG. Maibabalik mo ba Siya sa iyo kapag wala na siyang babalikan pa? Harapin mo ang bumabagabag sa iyong kalooban. Harapin mo ng buong tapang. Ang unos ay lilipas, at makakamtan mo ang kapayapaan.
Halika, kaibigan. Hawakan mo ang kamay ko. Hindi kita bibitawan.
Labels: saloobin
4 Comments:
naku, ano na namang post ito...talagang nakakaligalig. mukhang life and death situation ito ah.
kung sino man siya, sana maliwanagan na ang pag-iisip niya. tsk
i admire the genuine friendship you have with this friend of yours, very rare na ang mga tao na katulad mo, yung hindi kelangan magsinungaling just to make the person feel better
sometimes, reality really bites, hirap tanggapin.. hope your friend hears you really soon..
kakalungkot naman.
Sana tanggapin ng kaibigan mo nang maluwag kung ano man ang problema, talagang ganun, mahirap nga lang talaga pero Ganun eh. Lilipas din yun.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home