Friday, May 04, 2007

update

Things are happening so fast, it's hard to catch up. I find myself slowly immersing in a roller coaster of emotions as the reality of leaving my family behind draws near. The thought of leaving the home I've known for 14 years brings shivers down my spine. I refuse to let go. But it's part of a process. Part of life.
-------------------------------

Hubby secured a job as a recruiter in the US Army. We will be moving stateside (Ohio) next month. It will be a different experience. We will not be around the military. It'll be civilian life for us for the next 2 or 3 years. That means no PX, no commissary, no Tax free benefits. The upside is, NO DEPLOYMENT to Iraq. There's WalMart of course, where I plan to do most my shopping. And I can also take advantage of AAFES online.

My last day of work is the 31st of May. It will feel weird. Plus, I'll miss the moolah. I just hope to find a decent job in the states. But I'm in no hurry. I plan on staying home until the kids are settled.

Our household goods will be picked up the 4th and 5th of June. Packers will come in, pack, load, and leave. When we get to the next duty station, packers deliver, unpack, leave. Nice, eh? All at the army's expense. I do need to get a supplemental insurance for our high valued stuff. The army only reimburses 70% of the cost in case of damage or loss. Better safe than sorry.

Now the bad part. We are only entitled to ship 1 car for free. That means I'm paying for my car to be shipped. And because we opted for door service, we're paying triple the regular rate. Saves us the hassle of picking the car up from the port (Baltimore) 8+ hours away. So I guess it's worth it.

Amidst all the stress, angst, uncertainties, it's important to always keep a positive attitude. It's hard, but manageable.
-----------------------------------

Steven turned 4!!!

Labels: ,

Monday, February 19, 2007

Buntong-hininga

Ibang-iba talaga ang pakiramdam. Wala ng kulang. Buong-buo na. Nakakatulog na ako ng mahimbing. Nakakatawa na ako ng hindi natitigilan dahil biglang kinakabahan. Masayang-masaya rin ang mga bata. Nakakatuwa na ang bilis nilang nakapag-adjust sa "bagong" tao na dumating sa buhay namin. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Hindi rin naman biro ang mahigit isang taon na kami ay nagkahiwalay. Lalo pa't nadestino siya sa delikadong lugar.

Hindi madali ang magkunwaring matatag, habang ang iyong kalooban ay nilalamon ng takot. Hindi madaling itaguyod ang pamilya ng nag-iisa. Hindi madali, ngunit sa awa ng Diyos ay muling kinaya.

Labels:

Wednesday, February 07, 2007

Ligalig

Narito ako, kaibigan. Handa kitang damayan sa oras ng iyong pangangailangan. Handa akong makinig. Handa akong maging sandigan mo sa anumang oras na ako ay kailanganin mo. Higit sa lahat, handa akong iparinig sa iyo ang mga bagay na hindi mo nais marinig...dahil yan ang inaakala kong MAKAKABUTI para sa iyo.

Hindi ko nais na saktan ka. Hindi ko nais ipamukha sa iyo ang katotohanang tila baga ayaw mong marinig. Ngunit tungkulin kong protektahan ka. Hindi sa ibang tao, kung hindi sa iyong SARILI mismo. Kung ang matatalim kong salita ang gigising sa iyong naghihingalong diwa, siyanawa.

Batid kong labis ang iyong kalungkutan. Unti-unti ka nang nilalamon ng depresyon, ng awa sa sarili at kawalan ng pag-asa. Ngunit solusyon ba ang pagtakas? Nakatitiyak ka bang kapag winakasan mo ang iyong buhay ay matatapos na rin lahat ang paghihirap mo? Isa kang DUWAG. Maibabalik mo ba Siya sa iyo kapag wala na siyang babalikan pa? Harapin mo ang bumabagabag sa iyong kalooban. Harapin mo ng buong tapang. Ang unos ay lilipas, at makakamtan mo ang kapayapaan.

Halika, kaibigan. Hawakan mo ang kamay ko. Hindi kita bibitawan.

Labels: