Monday, February 19, 2007

Buntong-hininga

Ibang-iba talaga ang pakiramdam. Wala ng kulang. Buong-buo na. Nakakatulog na ako ng mahimbing. Nakakatawa na ako ng hindi natitigilan dahil biglang kinakabahan. Masayang-masaya rin ang mga bata. Nakakatuwa na ang bilis nilang nakapag-adjust sa "bagong" tao na dumating sa buhay namin. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Hindi rin naman biro ang mahigit isang taon na kami ay nagkahiwalay. Lalo pa't nadestino siya sa delikadong lugar.

Hindi madali ang magkunwaring matatag, habang ang iyong kalooban ay nilalamon ng takot. Hindi madaling itaguyod ang pamilya ng nag-iisa. Hindi madali, ngunit sa awa ng Diyos ay muling kinaya.

Labels:

12 Comments:

At 3:39 PM , Blogger Unknown said...

AnP: Mahirap talaga, yun bang feeling mo eh gutay-gutay na yung kaloob-looban mo pero hindi mo naman maipakita dahil ayaw mong panghinaan din ng loob ang mga tao sa paligid mo (lalo na ang mga bata). Ang hindi pagbitiw sa aking pananalampalataya ang siya kong naging sandigan. Kaya't laking pasasalamat ko talaga dahil hindi Niya kami pinabayaan kahit isang saglit.

 
At 7:57 AM , Anonymous Anonymous said...

may tanong lang ako...

ikaw ba eh nagpanata na talagang mostly tagalog entries na ang mga post mo dito? hehe

anyway, tama ka...ibang-iba talaga ang nagagawa ng ano...ng may dantayan sa gabi. mas mahimbing ang pagtulog. *wink*

p.s. mula nang nagbalik si S, kahapon ko lang siya nakita. ikinukulong mo ata eh hahahaha

 
At 10:37 AM , Blogger marie said...

Ako naman ay maligaya rin para sa iyo at sa mga anak ninyo. Salamat naman at siya ay safe and sound na nakabalik sa piling niyo.

 
At 2:08 AM , Blogger Unknown said...

des: mas nailalabas ko kasi ang aking saloobin kapag sariling wika ang aking ginagamit. Sa isyung pagkulong kay Steve, hindi ba't kaytagal din bago ko nasilayan ang iyong esposo noong siya ay magbalik?? ;-)

ate marie: salamat. walang pagsidlan ang aking kagalakan sa kanyang matiwasay at ligtas na pagbabalik....

 
At 5:51 AM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

ay kala ko nakabuo na kayo...dinadagdagan ko lang kaligayahan mo =)

isa kang mabuting ehemplo di lamang sa mga anak mo, sa aming lahat, mahirap ang pinagdaanan mo na walang katiyakan kung syay makakabalik, but you put your trust and faith in our God.

 
At 7:10 AM , Blogger Singa Mama said...

haay, i can imagine kung gaano ka ka-relieved. i mean, di biro yung every single day, your husband is in the face of danger. di bale sana kung sa ibang lugar sya naka-destino.

haay, enjoy the time together!

(pst, pwede nang sundan si teban liit, hehe)

 
At 11:52 AM , Blogger Analyse said...

ang tagal pala nyang nawala. mabuti naman at kampante ka na, ang hirap din ng laging may iniisip ha.

 
At 3:53 PM , Anonymous Anonymous said...

naku rhads, belated Chinese New Year (am sure sumabay kayo sa putukan ang sarap naman ahaha!)

pansin ko lang, pang siyam na naman ako sa commenter like on your last entry.

* musta sa lahat dyan.. mwah!

 
At 2:19 AM , Blogger Unknown said...

girlie: hahaha naku, don't say bad words! lol. AYOKO naaaaaa!! ayoko na ng baby!! suko na! lol

ruth: oo nga, talagang relieved na relieved...yes, we'll enjoy the time together, pero NO MORE BABIES hahahaha. Ikaw muna!

analyse: Kampante na talaga, for now. Mahirap, pero sanayan lang din.

Nao: Is 9 your favorite number??? Kulang yata ng 6 sa unahan hahaha. Happy Belated Chinese New Year din!

 
At 8:41 AM , Anonymous Anonymous said...

Hello ate Rhada! It is nice to see your blog again. I thought u were gone. Anyway nice to see you again!

 
At 1:43 PM , Blogger Unknown said...

Chas! Nice to see YOU again! Yeah, I was gone for a while (bloggingwise)...*temporary insanity* ;-)..I don't know what possessed me to delete my old blog..

 
At 1:21 PM , Anonymous Anonymous said...

hello ,angtagal ko rin d nakadalaw dito ,sana kilala mo pa ako :)

masaya ako para sau at sa pagbabalik ng kabiyak ng buhay mo :)

ingat!link kita ha !

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home