Saturday, June 28, 2008

Play time

Medyo matagal-tagal din akong hindi nakapag-update ng akign GLOG (gagong blog). I started working full time and the week had been really toxic. We are in the process of merging two branches, and sandamukal na paperwork ang kailangang kaharapin. The other branch averages more than 10,000 transactions a month at madadagdag ito sa amin. Syempre sali pa diyan ang regular naming trabaho, kaya pag-uwi ko ay talagang lupaypay ang byuti ng rhaditay.

Well, sa umpisa lang naman ito. We are gaining two more employees na makakatulong din sa amin. Also, we are building a bigger office (construction will be finished in October) to better accomodate our clients. Pero kung inaakala ninyong ALL WORK and NO PLAY ang aming opis, nagkakamali kayo. We still find time to relax and have fun....heto ang patunay....






Ito ang aming opis outing na tinaguriang casino night sapagkat after dinner ay nagtungo kami sa MGM casino sa Detroit. Sa limo pa lang ay nag-umpisa na ang aming kasiyahan. Tinira na namin ang Bacardi habang naglalaro ng liar's poker. Sa casino naman ay nagwagi ang aking byuti ng tumataginting na $70. Ang boss ng aking boss (in short, my bigger boss), ay nagwagi ng $1600. Kung sino pa ang pinakamalaki ang sweldo ay siya pa ang naging big winner. Pero sabagay, big giver naman kasi siya dahil siya ang naglibre ng dinner namin hehe. Siguro sa susunod, ako na lang ang manlilibre para ako na lang din ang big winner ano???

Happy Weekend Ya'll

10 Comments:

At 2:01 PM , Anonymous Anonymous said...

kumare, congrats sa BJ (Bagong Job) o, ang bilis kasi ng malisya hehe

sa limo, nag-ala-madonna din ba kayo?

ako din may bago ng.....ayan, mag-isip ka hahaha pero wag masyadong wild ha?

 
At 11:33 AM , Blogger Unknown said...

hehe mare, ikaw talaga, ginigising mo ang madumi kong pag-iisip hahaha.

ano yang bagong ano mo ha???? ;-)

 
At 3:32 PM , Blogger Analyse said...

naks naman kung gumimik, limo pa! vongga!

 
At 10:49 AM , Blogger Beng said...

Aba Rhads, super bonggalicious ang wheels na sinakyan niyo ah. Stretched limousine ha? Hehehehe, enggets akesh. Pero bago ko makalimutan let me congratulate you to your new job. Iba na talaga si ikaw.

Have a nice and exciting week!

 
At 7:15 PM , Anonymous Anonymous said...

hahaha sige nasa blog ko na din--coming soon!

sabi ko sayo wag masyadong wild ang pag-iisip hane?

 
At 8:37 AM , Blogger Unknown said...

analyse: mismo, vongga ka day..feeling annie batungbakal akish lol.

mama benggay: thanksssss ... old job pa rin yun..i just changed from part time to full time.. musta ka na jan??? enjoy na enjoy ba ang byuti sa pagpapa-tan?

kumareng hustisya: ang tagal huh? panis na panis na yung entry mo dun....hehehehe

 
At 2:12 PM , Blogger tintin said...

Congrats on the job! Sounds hectic so I'm glad you're making time to partay. It's important. Have a drink on me. :)

 
At 2:47 PM , Blogger marie said...

Aba! Bongga talaga ang wheels at mukhang enjoying ka sa trabaho. Casino ba kamo? Uy ang saya! hahaha may pagka sugarol din ako buti nalang wala ako dyan.

 
At 6:25 PM , Blogger Francesca said...

NOT BAD NAOT BAD.

If ganyan ang work ko, good money and no stress, aba day, I pirate ko yan! haha.

 
At 10:07 PM , Blogger Unknown said...

tin: thanx! i had so much fun, parang sarap ulit-ulitin lol.

'te marie: naku, kugn anjan lang ako eh aayain kitang magmah-jong. alam kong type mo yun ;-)

francesca: it's a bit stressful right now because of the merge pero ok lang...mas gusto ko ang busy kesa nakatunganga...

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home