nakiki-TAG: What were you thinking
No, I wasn't tagged. But I found this particular meme from analyse quite interesting. So interesting that I tagged myself because no one would ever tag me. hehe. shame shame shame
So the question was:
What Were You Thinking when you first met your current main squeeze? (husband, wife, boyfriend, girlfriend, significant other, sex partner, WHATEVER!)
....I remember telling my bestfriend "oks na ang gabi ko kapag nakasayaw ko yun", sabay nguso sa isang kelot na nakaupo sa isang sulok na obvious na obvious ang pagka-bored ng gabi na iyon. Actually, aksidente lang ang pagtatagpo na iyon. My girlfriend and I originally wanted to go to a (disco) club in Fulda. Nakaugalian na namin ang mag-clubbing tuwing weekend. Minsan nga pati Wednesday (ladies' night) pinapatulan namin dahil wala kaming magawa sa buhay. Ako ay isang estudyanteng pulpol habang si bestfriend naman ay isang "lost soul" nung mga panahon na iyon. Anyway, hindi namin natagpuan ang club sa Fulda, kaya naisip na lang namin na umuwi na lang.
What should've been a very easy maneuver turned into a disaster when bff took the wrong autobahn (expressway). Feeling adventurous, we somehow ended up in Frankfurt (100kms away). I remember stopping at the foot of a bridge dahil may nakita kaming 2 mama na gusto sana naming pagtanungan ng pinakamalapit na discohan. Instead of getting the information we wanted, humarurot kami ng takbo dahil lasing pala yung 2 kelot. Ninerbiyos pa kaming magagandang dalag, este dilag. Naisipan naming umuwi na lang (pramis). As our luck would have it, medyo paubos na ang gasolina namin. Sa Germany, bawal maubusan ng gasolina sa Autobahn. Kung ayaw mong masaktan, make sure na makakarating ka sa iyong paroroonan. So we decided to take the back roads instead. Mas madami kasing gasolinahan na madadaanan dito kaysa sa Autobahn. After filling up, we were on our way home (pramis) nang biglang tumambad sa aking paningin ang napakaliwanag na sign "CAPRI". I told my friend "shit kaibigan, tignan mo, DISCOOOOOOOOOOO!!!!" Yugyugan na!!!!!!
Excited kaming pumasok sa disco, to our disappointment. Dahil medyo maaga pa (11PM), walang kabuhay-buhay ang dinatnan namin. Pero tutal ay nandun na rin lang naman at kinakailangang iwagwag ang katawan, nag-enjoy na lang kaming magkaibigan sa pagsasayaw sa walang kamatayang hip-hop at techno.
Pabalik na kami sa aming upuan ng mapuna ko ang isang lalaking mukhang batong-bato na sa isang tabi. May itsura, may porma, matikas (medyo madilim kasi noon hahahaha).
"oks na ang gabi ko kapag nakasayaw ko 'yun", tandang tanda ko pa.......kauupo pa lang namin ay siya namang tayo niya kasabay ang isa pa niyang kasama. Sabay silang lumapit sa aming upuan at nagtanong..."may I have this dance?". "shoreeeeeeeeeeee" op kors golp kors, palalampasin ko pa ba ang pagkakataong ito???
Turned out, kadadating pa lang pala niya sa Germany. It was his first weekend in the area and naki-join lang siya sa mga kasamahan nya sapagkat wala silang ginagawa sa barracks. First time ko lang din sa lugar na yun. Isipin mo nga naman, nang dahil sa biglang liko, este maling liko, nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng aking puson, este puso. Dahil makamandag ang beauty ko, hindi na niya ako pinakawalan. At iyan ang aming lab story. To date, 12 years and 3 months na kaming magkakilala, 10 years and 8 months na kaming kasal. bow.