Tsk tsk. Kawawang blog. Basang sisiw na sisinghap-singhap at humihingi ng katarungan. Isang update lang. Isang-isa lang, bago man lamang matapos ang taon. Panis na panis na ang excuse. Busy daw. Busy-busyhan kamo.
Geez, I'm being too hard on myself. Sa totoo lang kasi, medyo mahirap gampanan ang papel na ginagampanan ko sa ngayon. Magpapasko, at mahirap ang malayo sa minamahal. Mahirap maging "ama at ina" all at the same time. Medyo senti mode nga ako habang nagbabalot ng mga regalo. Si Steve kasi ang "official tagabalot" ng mga regalo kapag magpapasko. Nagkukulong siya sa kwarto, at kung ano-anong dekorasyon ek-ek pa ang ginagawa nya para lang mapaganda ang balot. Hay naku, stop na nga muna ang chuvah chu chu bago magkabahaan ng luga, este luha dito. Anyway, nakachika ko na naman siya kanina sa telepono. Pinabuksan na rin nya ang regalong ibinigay niya sa akin. Laking gulat ko ng tumambad sa aking paningin ang isang "hot pink" iPod nano. Kakulay ng celfone na ibinigay nya sa akin last Christmas. Akala ko eh bra at panty ang laman nung malaking kahon. Napakagaang kasi eh. Utang muna ang mga peechurs. Kapag nagkaroon ako ng mas madaming time eh makakapag-update din ako ng maayos. Ngapala, may konting problema ako dito sa blog na ito. Hindi ko makita yung pinaglalagyan ng title ng post. Kaya tuloy lahat ng post ko eh mga walang pamagat. (as if madaming-madami na akong post hehe)
Siyangapala............MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!!!
Labels: kwento-kwento