Kwentong Kutsero
Mayron akong isang kakilala. Sa Germany nag-krus ang aming landas taong 1995 at kahit papano ay nagkaroon din kami ng magandang pinagsamahan. Matagal din kaming nawalan ng komunikasyon sapagkat lumipat siya ng Amerika habang ako ay patuloy na nanirahan sa Germany. Hanggang sa dumating ang takdang panahon na kami ay tumulak na rin patungong Amerika (Hunyo 2007).
Dito ay naisipan ko siyang tawagan upang kumustahin. Heto, humigit kumulang ang naging paksa ng aming usapan. Itago na lang natin sya sa pangalang Darna.
Me: P*kP*k! Kumusta ka na??!! (halatang excited, tagal ba naman hindi nakapag-usap).
Narda: Ok lang ako! blah blah. Meron na akong Toyota Sienna. blah blah.
Me: Good! Mabuti naman.
Narda: kapatid, alam mo bang US citizen na ako??
Me: Talaga? Good for you! (sinserong natutuwa)
Narda: Kaya hindi na ako made-deport!
Me: Huh? Eh bakit ka naman made-deport?
Narda: eh kasi nga hindi ba kapag green card holder ka lang tapos gumawa ka ng kapalpakan dito eh pwede ka pang ma-deport sa Pilipinas. Eh US citizen na ako, kaya hindi na ako pwedeng i-deport!
Me: gagah! hindi ka nga made-deport, dito ka naman nila IKUKULONG! Tsaka ingat ka dyan sa lugar mo, kapag gumawa ka ng kalokohan, BITAY ang katapat mo.
Madami pa kaming pinagkuwentuhan, este, siya lang pala ang nagkwento. Hirap kasing makasingit sa dami ng ipinagyayabang nya sa akin eh. Pinapabayaan ko na lang. Hindi kasi ako mahilig mambara. Ikinukwento ko na lang kay neybor Des. hehe Pinagchichismisan, este pinag-uusapan na lang namin. Nakalimutan ko, HINDI NGA PALA KAMI CHISMOSA. bwahahahaha. Ang hirap naman kasi dito kay Darna, pakiramdam nya ay alam nya ang lahat. Ginagawa pang tanga ang kausap...sus.
Dami ko pang paligoy-ligoy. Gusto ko lang naman sabihin na HINDI NA RIN AKO MADE-DEPORT. Nung May 21 kasi eh nakapasa ako sa citizenship interview. Pano yan, baka hindi na ako ma-reach?