Play time
Medyo matagal-tagal din akong hindi nakapag-update ng akign GLOG (gagong blog). I started working full time and the week had been really toxic. We are in the process of merging two branches, and sandamukal na paperwork ang kailangang kaharapin. The other branch averages more than 10,000 transactions a month at madadagdag ito sa amin. Syempre sali pa diyan ang regular naming trabaho, kaya pag-uwi ko ay talagang lupaypay ang byuti ng rhaditay.
Well, sa umpisa lang naman ito. We are gaining two more employees na makakatulong din sa amin. Also, we are building a bigger office (construction will be finished in October) to better accomodate our clients. Pero kung inaakala ninyong ALL WORK and NO PLAY ang aming opis, nagkakamali kayo. We still find time to relax and have fun....heto ang patunay....
Ito ang aming opis outing na tinaguriang casino night sapagkat after dinner ay nagtungo kami sa MGM casino sa Detroit. Sa limo pa lang ay nag-umpisa na ang aming kasiyahan. Tinira na namin ang Bacardi habang naglalaro ng liar's poker. Sa casino naman ay nagwagi ang aking byuti ng tumataginting na $70. Ang boss ng aking boss (in short, my bigger boss), ay nagwagi ng $1600. Kung sino pa ang pinakamalaki ang sweldo ay siya pa ang naging big winner. Pero sabagay, big giver naman kasi siya dahil siya ang naglibre ng dinner namin hehe. Siguro sa susunod, ako na lang ang manlilibre para ako na lang din ang big winner ano???
Happy Weekend Ya'll