Pag-uwi ko ng haybol matapos ang sandaling trabaho ay nag-check ako kaagad ng answering machine. Walang bagong messages, pero may mga ilang tawag ang 1-800 number. Habang naghahapunan, muling nag-ring ang telepono. 1-800 number na naman ayon sa caller ID. Normally, hindi ko sinasagot ang mga ganitong tawag, pero dahil na-curious na din ako, sinagot ko na. Sa kabilang linya ay isang representative ng Chase bank. Gustong makipag-chika tungkol sa credit card na binuksan ko sa kanila. Nung binili ko kasi ang swingset ng mga chikiting patrol ay nagbukas ako ng credit card sa ToysRUs para maka-discount ng 10%, na kaagad ko din namang binayaran dahil ayaw kong magbayad ng interest (sayang naman ang natipid ko no!). Anyway balik tayo sa telemarketer...
Pamilyar ang kanyang accent. Halatang saulado ang mga linyang binibitawan (ewan ko kung binabasa) kasi kahit interrupt ko sya, balik sya sa spiel nya kaagad. Verify nya ang name and address ko. Imbis na Michigan eh MI (em-ay) ang sabi nya kaya na-confirm ang hinala ko na he's not calling from the States. So paligoy-ligoy muna sa umpisa....sinabi kung magkano ang credit limit ko pati ang available balance ko. Kinorek ko sya kaagad, sabi ko wala akong outstanding balance dahil binayaran ko kaagad online. So offer nya naman ang Fraud protection, $7.99 a month daw. Tanggi ako ulit, sabi ko ok lang ako. Next offer nya naman ang balance transfer, 5.99% daw. So chika pa sya ng chika, hindi ako pinapasingit. So sabi ko, "where are you calling me from?" Sabi nya, "Manila"...."you speak Tagalog?" sabi ko naman ulit. "Yes", tugon niya. ..."OK lang ako...salamat...". Medyo huminto sya, "ok ma'am" tapos tuloy tuloy ulit. Tinapos ang binabasa. Pinakinggan ko na lang, hanggang mag-babay na sya.
Buti na lang kabayan ko sya, kasi kung hindi, tinarayan ko na sya. Syempre he's just doing his job. Madaling araw kaya sa Pilipinas nun?! Pero, Haller, 5.99% balance transfer rate, eh samantalang yung bankong pinapasukan ko eh 3.9% lang? Tsaka bakit kailangang may monthly charge ang fraud protection, eh kahit naman hindi ako magbayad nun eh protected ang Credit cards against fraud. Kaya nga mas advisable gamitin ang credit kesa debit noh! Yun lang.
Lumamig tuloy yung dumpling na kinakain ko, sus!